"mahalin natin ang ating mga nanay, tatay, lolo, lola natin... alagaan po natin sila..."😊❤️ Narito po mga ilang tips kung pano natin maalagaan mga mahal natin sa buhay. AYAW KUMAIN sa MAY EDAD Kaya nanghina, pumayat at nagkasakit. Tips by Doctor Willie Ong Ito malaking problema sa may edad at may sakit. LOSS OF APPETITE. Dahil ito sa edad at panghina sa paglunok at pagtunaw ng tiyan. Dagdag pa ang panghina ng pang-amoy at panlasa sa may edad. Puwede ito isubok sa maysakit at may edad: 1. Sabaw ng manok o baka. Kahit sabaw lang masustansya na. 2. Lugaw, noodles at malalambot na pagkain para hindi mabulunan. 3. Gawing SHAKE/JUICE ang mga gulay at prutas tulad ng PIPINO, CARROT, MANSANAS at iba pa. 4. Puwede ang mga GATAS na pampalakas. 5. Puwede ang puti ng ITLOG para sa protina. Kahit 2-4 puti ng itlog araw-araw para lumakas. Important: HUWAG hihiga pagkatapos kumain. Dapat nakaupo o tayo ng 2-3 oras bago hihiga. Mas maganda kung 3-4 oras bago hihiga. Delikado ang pagbalik ng pagkain sa LALAMUNAN at baga. Aspiration PNEUMONIA ang mangyayari kung ganoon. Take care po... Source:doc willie ong #GoldenBaby💛 #Health
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet