Pawikan
Kahit anong laki ng alon ang aking kaharapin Di magpapadaig sa dambuhalang agos ng tubig Kahit pag suko ay hindi ko gagawin Pagkat ako ay nagmula sa pag-ibig Mula sa dilim, minulat ko ang aking mata Nakita ang liwanag, lahat ng nilikha Iginalaw ang mga paa, natutong humakbang Iniisip ko, sa mundo, ako ba'y may puwang? Doon nagsimula ang aking paglalakbay Na tanging Diyos ang aking gabay Mag isang hinarap ang bawat lalim ng karagatan Hindi alam kung saan tutungo, hindi alam ang hangganan Pinagasgas ko ang aking kamay Nilangoy ang lawak at layo ng buhayb Pawikan man ako o tao Haharapin ko ang mga agos ng mundo
No comments yet