Dragon Ball Z. I remember, ito yung pinapanood ko dati tuwing umaga pagkatapos ng balita. Unang anime na sinubaybayan ko at mapahanggang ngayon ay pinapanood ko parin. Buti nalang at meron ulit nito sa GMA after ng unang hirit haha. Kaso nakakabitin kaya parang mas gusto ko nalang manood sa Bilibili haha.
@Audrey in November 2022
Buti pa sa Cavite walang pasok hanggang November 5, dito samin kahit malakas na yung ulan at hangin tuloy parin ang pasok tapos late pa mag announce kung maypasok ba o wala 😅. Sana nga di na umulan this week para naman matuyo na yung mga damit haha. Ingat parin po tayo
Pagkatapos ng ilang araw na pag-ulan di ko nasilayan ang napakagandang paglubog ng araw. Kaya ngayon pagkatapos naming mag lakad lakad nag hintay muna kami ng ilang minute para abangan ang sunset. At ito na nga ang kuha ko, sorry sa low quality na picture haha. Medyo may mga madilim pa na ulap pero okay na yan.
Maaga akong nagising para mamalengke para bumili ng Karne ng baboy, kadalasan kasi kapag mga 9:00 am na wala ng Karne ng baboy dito samin kasi nagkakaubusan na. Medyo makulimlim ang kalangitan at parang uulan narin kaya di na ako maglilibot libot dito at uuwi narin. Magandang Umaga sa lahat!
Scrambled Egg for breakfast. Isa sa pinakamadaling lutuin tuwing umaga ay ang itlog kaya ito ang niluto ko haha. Dahil sa marami akong gagawin at magrereview pa ako para sa exam namin bukas naisip ko na magprito nalang ng itlog para saglit lang ay luto na kaagad and ready to serve na. Ano almusal niyo diyan mga mare?
Nagcrave ako bigla ng siomai Kaya naisip ko na magprito ng konti. Mabuti nalang talaga at bumili ako ng isang balot ng siomai kasi mas nakakatipid at makakakain ka pa ng marami haha. Gumawa din kasi ng chili oil at toasted garlic ang kapatid ko kaya perfect pair talaga yun sa siomai. Sa ngayon, ito muna ang meryenda namin. Tara kain!
Time to review! Midterm namin bukas at maaga pa ang start ng exam namin. 7-12:00 pm ang exam namin, face to face at problem solving lahat. Itong mga YouTube videos na ganito ay sobrang nakakatulong sakin para mas maunawan ng mabuti ang mga lesson na di ko masyadong nagegets kapag discussion. Kaya buti nalang talaga at may mga engineers na may mga tutorial video na ganito.
I set my alarm at 4:35 am pero in case na Hindi ako magising dahil sa mahimbing ang tulog ko, nagset din ako ng alarm at 5:29, 5:45, at 6:10. It's time to review again all my notes dahil mamayang alas syete ay midterm exam na namin huhu. Magandang Umaga po sa lahat!
And finally natapos din ang limang oras na exam namin. Siguro naman deserve ko mag Jollibee ngayon since ilang araw din ako nagreview at nagpuyat haha. Limang oras kaming nakaupo simula 7:00 am to 12:00 pm kaya gutom na gutom na talaga ako at drain na din ang utak ko sa kaka-analyze ng problem haha. Tara kain tayo!
Look what I have here, maruya and iced coffee haha. Di ko alam kung bakit naging ganito meryenda ko. I'm planning kasi na gumawa ng banana cake kaso wala na pala akong baking powder kaya nauwi sa maruya haha. Anyways, masarap naman siya at pwede naman palang ipair sa Iced coffee lol.
Soju, sprite & yakult Feel ko uminom today pero syempre moderately lang kaya soju lang muna with yakult haha. Once a month lang din kasi ako tumitikim ng mga ganito at di rin ako masyadong umiinom ng mga matatapang na alcohol mga ganito lang na type of drinks haha, so girly. Kampai!
It's Friday! Yeheeyyy! Ambilis ng araw, November 4 na parang kailan lang yung September at October. 51 days nalang din before Christmas at 57 days nalang ang natitira bago magpalit ang taon. Medyo feel na namin dito ang Christmas season dahil sa mga nakasabit na parol at mga Christmas lights na nakasabit sa bawat bahay.
Ito ang usual breakfast ko, di kasi ako mahilig kumain ng kanin at usually toasted bread or biscuits lang kinakain ko tuwing umaga tas coffee. Bumili pala ako kahapon ng browniescotch kaya ito ang pinartner ko ngayon sa kape ko. One of my fave breakfast!
I had this lemon square cheese cake during my exam. Pinabaon sakin ni kasi baka magutom daw ako haha, binigay niya sakin habang nagrereview ako, natouch tuloy ako hehe. Feeling ko elementary pupils parin ako haha.
Pinanuod ko ulit yung The School for Good and Evil kasi maganda talaga yung story niya tsaka yung mga characters don. So while watching, tinawag ako ng kapitbahay namin at may dala siyang pansit at lumpia, birthday daw ng apo niya. Timing talaga yung pagbigay niya ng pagkain sakin kasi saktong nagugutom nadin ako at nagkicrave din ako ng lumpia at the same time haha.
I really like this sweet banana chips. Mas gusto ko yung medyo sunog para sweet at mapait siya at the same time haha. Binili ko ito kanina sa tindahan for only 5 pesos, sulit narin dahil marami siyang laman. Mas gusto ko yung mga ganitong chips paminsan minsan kaysa sa mga chichirya.
Look what I have found, a paw print. Who could it be? Haha. I'm pretty sure it's Kobe (my pet dog). Nakita ko kasi siya kanina na paikot ikot doon sa Sala namin at gusto niya umakyat sa sofa kaso di niya maabot kaya siguro hanggang diyan lang umabot yung paa niya. Ang cute ng paw prints niya kahit nadumihan niya yung sofa namin haha. Good morning beautiful people!
Dumaan ulit yung naglalako ng Taho for the second time dito banda sa amin and this time di lang ako yung bumili pati narin ang mama at kapatid ko. Tig 10 pesos yung ganyan kalaki tas 20 pesos naman doon sa medyo mas malaking plastic cups. Pag may sarili ka namang baso tas gusto mo punuin, 30 pesos ang bayad. Sulit naman siya kasi masarap siya at healthy din at the same time.
May nagyaya sakin, kain daw kami today haha. Syempre ako naman eh go lang ng go, sino ba naman tatanggi sa pagkain. So nag order na nga kami at nachos and milktea with cheesecake lang inorder then share nalang din kami sa nachos since malaki naman siya at nakakabusog narin ang isang milktea. So here am I, happily eating my fave food!
Wakey wakey noise fam! Gusto ko lang i-share sa inyo itong balot na kinain ko kagabi. Di talaga ako mahilig kumain ng balot pero kagabi may nagtitinda dito sa amin at bumili yung mga kapitbahay namin pati narin si mama kaya bumili narin ako. Buti nalang walang sisiw yung balot na nabili ko kasi kung meron di ko talaga kakainin yun. Yang yellow na part lang kinain ko 😅.
Late breakfast. Natulog kasi ako ulit at di ko namalayan na alas dyes na pala haha. Nagugutom na ako kaya ito nalang breakfast ko. Toasted bread yan na may cheese na palaman at syempre di mawawala ang coffee haha. Mag lalunch time at kakain ulit ako maya maya haha.
I just finished watching Enola Holmes 2 and I absolutely loved it! Magandang yung plot twist niya sa dulo at super intense din ng mga fight scenes. Gusto ko talaga yung mga story na ganito, about mystery. Can't wait for part 3!!
Ito yung naging set up ng exam namin last Thursday and as you can see sobrang layo ng mga upuan haha. Set A-D pa yung exam at naka booklet pa siya kagaya ng board exam. Gusto kasi kami sanayin ng teacher namin para kapag board exam na di na kami magulat. 50 items yung exam at good for 5 hours. Pagkakita ko palang sa unang problem na blanko agad ako pero yung mga sunod naman ay nasagutan ko naman and thank God naipasa ko ang midterm exam.
Namalengke ako kahapon mga alas tres na ata yun and as usual wala ng Karne ng baboy at isda nalang at processed food ang natira. Buti nalang at maraming tilapia ngayon at sariwang sariwa pa. Balak namin itong gawing ginataang tilapia mamayang tanghalian or di kaya prito nalang kung sakali. Kahit ano naman na luto sa tilapia ay masarap eh. Happy Monday everyone!
One of my favorite here is the banana cake made by shape's bakery. Ito yung tinapay na di ko pagsasawaan lalo na kapag gawa ng bakery na ito. Sobrang soft at medyo moist kasi siya tapos may toppings pa na cashew nuts. For only 10 pesos mabubusog ka na talaga at perfect din ipartner sa kape hehe
It's Christmas time! Every year may Christmas Tree decoration talaga na nagaganap sa bayan namin at kanina nakita ko na ina-assemble na nila yung base ng tree at mukhang sisimulan na nila ang nakagawiang Christmas Tree decoration. Maganda palagi ang Christmas tree at Christmas decorations dito samin kaya marami dumadayo lalo na sa Gabi.
It was two weeks ago when mother rabbit gave birth to her six cute baby rabbits and here's one of those babies. Actually wala pa siyang pangalan at nag-iisip din kami kung ano pwede itawag sa kanya. Since 6 nga yung anak ng Rabbit namin which is napakarami talaga naisip namin na ibenta nalang yung 3 kapag medyo malaki na sila. Happy Tuesday noise fam!
Nag announce ang aming school na magkaroon ng academic break ngayong October 7-9 at dahil nga walang pasok naisipan naming magkakaklase na mamasyal sa Antipolo. Super ganda ng lugar na to, dito na lahat ng mga activities na pwede mong gawin like Rappelling, Swimming, Wall Climbing and etc. Maraming tao ang pumupunta din dito kaya minsan mahaba ang pila sa entrance. All in all, sobrang nag enjoy kami!
Finally, after 2 months nakapagpublish ulit ako ng article sa read.cash https://read.cash/@springapple/how-can-i-get-rid-of-these-tiny-bumps-on-my-forehead-742911f8 It's all about my personal experience on tiny bumps on my forehead which annoys me. And it's been a 2-3 months since it started and up to now I still don't know how to get rid of it. Itong dalawang product na ito ay namention ko sa article ko. Ginamit ko to sa pag-aakalang matutulungan nitong bawasan or tanggalin…
Nagising ako bigla dahil sa ingay ng mga aso sa labas, ilang minuto din silang walang tigil sa pagtahol. By the way, nakuha niyo na po ba National ID niyo? Yung sakin kasi 1 year and 2 months na di parin dumarating kaya naisipan ko na icheck kung ano na status ng ID ko at balak ko na din sana kumuha nalang ng ePhilID or yung printable National ID. Kaso sabi dito yung registration ko daw ay processing pa, hay naku Isang taon na mahigit tas processing pa din.
Maaga akong pumunta sa bayan para mag grocery, hindi pa ako nag aalmusal kaya medyo nagugutom narin ako haha. Hmm, parang natetempt akong kumain sa Jollibee ngayon lalo na't nasa harap ko lang ito at saktong nagugutom narin ako haha.
Nakatikim na ba kayo ng chilled taho? Meron kasing binebenta dito sa grocery store sa amin worth 30 pesos lang ganyan kalaki. Wala naman pinagkaiba sa regular na taho ang kagandahan lang niyan ay pwede mo siya baonin at kahit anong oras mo kainin ay pweding pwede. May sago at arnibal narin itong kasama kaya ikaw nalang maghahalo ganun haha.
I'm currently watching Shooting Star, it's kdrama about PR teams, manager, and reporter that clean up messes created by stars. I actually love it because it is romantic comedy and I really love the cast and characters they play. Meron ba kayong any kdrama recommendations?
Cheesy Ensaymada. Nakakatuwa talaga itong kapitbahay bahay namin, kasi kapag may binibake sila binibigyan talaga nila kami. Kagaya nalang ngayon, nagbake sila nitong Cheesy Ensaymada at binigyan kami ng tatlong piraso tig Isa kami ng kapatid at mama ko. Ito nalang din siguro ang breakfast ko at ipapartner ko sa kape ko mamaya. Magandang Umaga sa lahat.
Tumaas ka na please, nakakaiyak na talaga itooo. Honestly, last year pa ako naghold tas di talaga ako nag sell around 40k pa ang price ng BCH that time kaya sobrang laki na talaga ng nabawas sakin huhu. Kala ko kasi dati tataas pa siya hanggang sa naging 30k, 20k at ngayon 5k nalang huhu. Inipon ko talaga yun para sa 50th birthday ng mama ko next year kasi balak ko siyang bilhan ng e-bike pero di ko na talaga alam kung mabibilhan ko siya kung ganito na kababa Ang value 😭
Naglunch ako kaninang alas dyes ng umaga tas ngayon nagutom ako bigla kaya bumili nalang ako ng Footlong tsaka Milktea, napaaga tuloy ang meryenda ko haha. Super sulit bumili ng Footlong na to kasi sa halagang 50 pesos pwede nang sharing dahil malaki talaga. Kain po tayo
Sale sale! At nagpabudol na nga ako ng tuluyan sa Black Friday Sale ng Shein huhu. May 10% discount kasi tsaka free shipping tas may less pa na 50 pesos kaya natempt talaga ako na mag checkout ng dalawang tops na gusto ko. Next time ulit char haha. Kayo ba magpapabudol din sa 11.11 sale bukas? 😂
My favorite model, my mom. Gustong gusto niya na pinipicturan ko siya kapag may pinupuntahan kaming cafè or restaurant na may magandang view. Halos karamihan nga ng picture sa gallery ko ay mukha niya haha. Tinuturuan ko din siya kung saang angle siya maganda or kung ano pose niya haha.
Sabi ko kanina di na ako magpapabudol today kasi nabudol na ako kahapon perooo. Ayan na nga napacheckout ako bigla kasi naalala ko na malapit na pala birthday ng aso ko tas yung mga damit niya paulit ulit nalang kaya naisip ko na bilhan siya ng bago at yan na nga. Mura lang naman siya 57 pesos lang kaya dinalawa ko na haha.
Lahat ba nakapagflex na ng meryenda? Haha Here's my entry by the way lol, plain pancakes lang siya pero super soft and sakto lang din yung tamis niya. Binili ko lang din siya doon sa palagi kong binibilhan ng meryenda, lahat na kasi ng klase ng meryenda meron siya char. Mapalumpia, fishball, kikiam, maruya, halo halo and etc tinitinda niya kaya marami din talaga bumibili sa kanya at masarap din naman talaga.
Sometimes weather forecasts are accurate, but sometimes they are inaccurate. This may be due to climate change, in which case rain may suddenly fall in place of sunshine. Kagaya nalang ngayon, sabi ng forecast ay Cloudy daw today pero sobrang init dito sa amin at walang sign na uulan, pero feeling ko naman uulan mamayang hapon or Gabi. Magandang Umaga!
Ito yung tinatawag na "Hepa lane" dito sa amin kasi lahat ng pagkain na tinitinda dito ay nakakahepa hahaha. Dito kami palaging tumatambay pagkatapos ng klase namin kaya halos lahat ng estudyante ay bumibili talaga dito. Minsan mahaba ang pila sa mga food stall na to aabutin ka talaga ng kalahating oras kahihintay. Buti nalang ngayon at kukonti lang ang tao at nakabili ako agad.
Bigla kong namiss magdagat. Throwback picture to last summer and up to now di ulit ako nakakapunta dito. As you can see sobrang puti ng buhangin dito, tinatawag nga namin minsan ito na little Boracay dahil sa pino at maputing buhangin. Marami din resort dito kaya maraming turista ang dumadayo.
It's Watsons day! Haha Time na para bumili naman ako ng mga skincare products at beauty essentials. Paubos narin kasi yung mga nabili ko last month at kailangan mag restock ulit para mamaintain ang healthy skin and hair lol. Ano ba paborito niyong bilhin sa Watsons?
Kapag nagrereview talaga ako o kaya kapag may sinasagutang assignment, nagtitimpla ako palagi ng Milo haha. Nakakatalino daw kasi Sabi nila lol, pero parang effective naman talaga. Mas nagiging focus ako sa problems na sinasagutan ko at mas nakakapag isip ako. Kayo ba, ano mga kinakain o iniinom niyo kapag nagrereview kayo?
Nagtaka ako bakit hindi tumunog yung alarm ko kanina, akala ko tuloy mas nauna ako magising kaysa sa alarm. Chineck ko ulit yung alarm ko at natawa nalang din ako dahil nakaset pala sa Tuesday at Thursday yung alarm ko nang 5:15 am haha. Buti nalang at maaga din ako nagising at nakapag review din ako. Good morning beautiful people!
Ang cute ng mga Christmas decorations na ito, maganda siya idisplay sa living room or kaya sa dining area. Talagang madadama niyo talaga ang pasko kapag may mga ganitong decorations at syempre di mawawala ang Parol ng mga Pinoy. Nakapagdecorate naba kayo or di kaya nakapag sabit na kayo ng Christmas lights at parol?
Super late na ng lunch ko ngayon, katatapos palang kasi ng exam namin tas may pinabili din yung ate ko sa grocery store kaya natagalan ako at ngayon lang nakapag lunch. First time ko kumain ng mag isa pero di naman pala malungkot kumain ng mag isa kagaya ng sabi ng nila😂. Nag take out nalang din ako para sa mama at papa ko, pasalubong ko sakanila haha.
Pumunta ako kanina sa grocery store para mamili ng mga pangangailangan namin. Nakakagulat na talaga ang mga presyo ng bilihin ngayon, kahit yung kape at Milo nagtaas na ng presyo. Parang sa ngayon wala ka ng mabibili na 5 peso worth na bilihin. At parang sa 1k na pera mo konti lang talaga mabibili mo dahil sa sobrang taas na ng mga presyo hay nakuu.
Hello hello noise fam! I just published a new article and it's all about "What's in my Shopee cart?" . If you're interested you can click this link below and you'll be directed to my article. https://read.cash/@springapple/whats-in-my-shopee-cart-f114fc42 Keep safe and have a wonderful day!
Achievement for the day! I now reached 200 followers! Sobrang happy ko talaga kahit sa mga ganitong achievements lang, parang malaking bagay na to sakin. Thank you sa support at sa lahat ng advice niyooo! Love ko kayooo!
Binilhan ko ng bagong damit yung aso namin na si Kobe, dalawa lang kasi Yung damit niya at paulit ulit niya na yung nasusuot kaya medyo luma na. Feeling ko naman nagustuhan niya yung bago niyang damit at ayaw talaga bumangon diyan sa hinihigaan niya kahit nakailang tawag na ako sakanya haha.
Pumunta ako sa birthday ng best friend ko kanina at sobrang natuwa ako sa aso nila na si Calvin kasi tingnan niyo naman. Pinatong niya yung ulo niya sa legs ko which is very sweet, kahit ngayon niya lang ako nakita ay lumapit agad siya sakin at parang gusto niya na ipet ko siya. Tuwang tuwa talaga ako sakanya, parang gusto ko na tuloy siya iuwi samin🥺
Nakita niyo rin ba Yung nagtrending na 83 pesos na Nestle cream? Nakakagulat yung tinaas ng presyo diba. Buti nalang dito sa amin medyo mababa pa, 72 pesos palang yung price ng nestle cream dito sa grocery store na pinuntahan ko kaya bumili agad ako kasi baka sa susunod lalo na't paparating na ang pasko ay bigla bigla nalang tataas ang mga presyo ng bilihin.
Goal for today. Challenge by @Chucha My goal today is to finish half or all of assignment #2 for our final term. It's due on Monday morning so I should finish it this weekend. It contains situation 1-8 with a total of 25 problems, so even if I finish situation1- 5 first, I have already answered at least 15 problems. My next objective is to continue working on my drafts on read.cash so that I can post an article tomorrow. What's your goal for today? @Glez @BagetsMomshie…
Malapit na matapos ang Christmas tree sa bayan namin, sobrang excited na kami sa pag papailaw at Night market na bubuksan sa first week ng December. I'm sure maraming naka abang na dito sa amin sa pailaw at may mga taga ibang bayan na dadayo ulit dito.
Christmas decorations in our Town. https://read.cash/@springapple/christmas-decorations-in-our-town-b8ea1c43 Hello hello noise fam! I have a newly published article on read.cash, it is about the Christmas decorations that are displayed in our town. I hope you can visit my article and take a virtual tour of our town. I hope you enjoy it.
At talaga ngang napakaganda ng ilaw tuwing Gabi sa plaza namin, Hindi pa nagsisimula ang annual Christmas tree lighting pero marami ng tao ang pumupunta para makapagpictire sa mga nagagandahang light display sa plaza. Check out my article about the Christmas decorations in our town. https://read.cash/@springapple/christmas-decorations-in-our-town-b8ea1c43
Kinakatakutang upuan tuwing exam huhu. Nag quiz kami kanina at sobrang na surprise talaga kami dahil hindi lang Isa ang quiz namin kundi dalawa. Di agad nagsabi si sir na isasama niya pala yung dati pang exam kaya nagtaka din kami bakit dalawa yung exam namin kanina. Anyways, move on na tayo sa exam exam na yan. Acceptance stage agad haha
My first ever made Banana Cake https://read.cash/@springapple/my-first-ever-made-banana-cake-73884548 Sobrang saya ko talaga dahil kahit first time kung gumawa ng banana cake ay naging maayos at masarap ito. Pinanuod ko lang sa YouTube kung paano at kung ano mga ingredients na gagamitin ko then voila! nakagawa nga ako ng Banana Cake 😄
Face to face classes again. Yung feeling na kahit Isang problem lang yung example ay halos Isang oras bago masolve huhu, paano nalang kung exam na edi mas mahirap pa doon. Need talaga magreview ng mabuti para mas maintindihan yung process ng solving. Happy Friday friends!
Nakaka ingganyo talaga bumili ng chocolate lalo na kung may promo haha. Dito kasi sa shop na pinuntahan ko kapag nakabili ka ng chocolate worth 150 pesos may free ka na Isang toblerone yung maliit lang. Pero okay na yun, magandang way para maka attract ng maraming customer haha.
My entry for today's meryenda haha. Birthday kasi ng kapitbahay namin kaya binigyan nila kami ng kanilang handa nilang pansit at bibingkang kanin, ganito kasi dito sa amin na kapag may birthday ang Isa nagbibigay sa iba. Ganun din ba kayo?
Good morning from these two adorable dogs, who celebrated their birthday yesterday. The day is going by so quickly; we've been with them for a year, and they've been making us happy all that time. We are grateful to these two puppies since they restored energy to our home after a terrible incident involving our 7 yr old dog Tamtam☹️.
We grilled some hotdogs, smoked longganisa and barbecue to celebrate the 1st birthday of our adorable dogs. Parang kapatid narin ang turing namin sa alaga naming mga aso kaya pinagplanuhan namin na mag throw ng birthday celebration para sa kanila at since mahilig kumain ng barbecue ang aso namin Yun ang naisip namin na ihanda para sa kanila at ang nagsilbing cake nila ay yung ginawa kong banana cake nung nakaraan. Sobrang saya namin dahil mukhang nagustuhan ng aso namin ang…
Showing na ang "Wednesday" sa Netflix!!! Inaabangan ko talaga to kasi maganda yung trailer niya kaya alam kung maganda yung story every episodes. Episode 2 palang ako dahil almost 1 hr ang bawat episode at kung tapusin ko to ng isang araw ay baka mapagalitan na ako ng mama ko haha.
At nagsimula narin ngang magdecorate ang ibang bayan para sa gaganapin na pailaw sa first week ng December. Di talaga nagpapatalo ang bayan ng Alcantara pagdating sa mga ganito, palaging maganda at magarbo ang mga decorations nila na idinidisplay sa plaza nila. Excited narin akong makapunta at makapagpapicture sa higanteng Christmas Tree na ito.
https://read.cash/@springapple/celebrating-the-1st-birthday-of-our-dogs-ce05c70a This is the picture of Kobe wearing his birthday hat and he seems to like it because he doesn't want to take it off haha. I hope this picture brings you good vibes this morning. Have a blessed day everyone!
We are really blessed to have a neighbor who is kind and always shares food that they have and of course we do the same with them. And just now they gave us this waffle again and I guarantee you, it's very delicious.😍
Pumunta ulit ako doon sa chocolate shop na palaging may promo haha at napansin ko na mas mura siya compare sa ibang shop, sila ata yung may less na price compare sa original price. Di ko lang sure or baka way talaga nila yun para mas maraming bumili sakanila.
Malapit na ang final defense namin kaya need namin matapos ang PowerPoint presentation at proposal manuscript ngayon kasi deadline narin ngayong araw haha. Nasimulan narin namin yung sa PowerPoint at mamaya ay may meeting kami ng groupmates ko para tapusin na yung manuscript. Sana maging successful ang final defense namin sa December 5✨
One of my favorite bread here in Luzzele's bakeshop is the famous Ube and cheese pandesal. As in sa lahat ng bakery na nagtitinda ng ganito dito lang sa Luzzele's nahanap ko yung tamang lasa ng ube and cheese, halatang di nila tinipid sa ingredients.
Results are out! Thank you Lord ang agang good news naman to huhu. Isa sa 8,029 na nakapasa ang pinsan ko 🥰, sobrang saya ko talaga dahil alam ko kung gaano siya kadeterminado at talagang pinaghirapan niya ang title na ito, ang pagiging ganap na "civil engineer". Bilang pinsan niya sobrang proud ako sa kanya sobraa 🥰 ©️ Facebook
Am I part of their group? https://read.cash/@springapple/am-i-part-of-their-group-7d578379 Hello guys! I just published a new article and it is about friendship to which I belong. I feel like they treat me differently compared to our other friends and somehow I feel like I'm not part of their friendship. So here's the full story. https://read.cash/@springapple/am-i-part-of-their-group-7d578379
Nagising ako kaninang 1:30 dahil sa masamang panaginip, feeling ko totoo yung panaginip na yun at di na ako makagalaw at makahinga dito sa hinihigaan ko, thankfully nagising ako agad. Uminom ako ng tubig at nagpray na sana di na ako makapanaginip ng ganun kasi sobrang nakakatakot. Anyways, the picture is not related to my dream it's about my article that I published yesterday. https://read.cash/@springapple/am-i-part-of-their-group-7d578379