We're having face to face classes. Medyo nakakapanibago pa nu'ng una but as the days goes by, bumabalik na din sa dati yung feeling na naeexcite ka kapag papasok ka or kaya kakabahan ka kapag may surprise quiz at recitation. But all in all, I miss hanging out with my friends and schoolmates. Hopefully magbalik na talaga sa dati Ang lahat, Wala ng facemasks, lockdowns and COVID related things. Keep safe guys!
@Audrey in October 2022
It's pizza time! For some reason nag crave ako bigla ng pizza and I dunno why if nababasa ba ng kapatid ko ang nasa isip ko haha lol, kasi bigla nalang siya nagsabi na "order ka nga ng two box of pizza". So syempre sobrang happy ko naman at ako na din pumili ng flavors haha. Itong pizza na hawak ko ang flavor niya is shawarma, Isa to sa paborito ko dahil parang two in one siya, may shawarma ka na may pizza ka pa ganern haha. #food #pizza
Street Foods. After kong mamalengke kanina nakita ko ang food cart ni kuya kung saan nagtitinda siya ng iba't ibang klaseng street Foods. Almost two months narin nung last akong kumain ng mga pagkaing ganito Kaya nagcrave talaga ako bigla pagkakita nito. Bumili na nga ako ng dalawang isaw at sampung pisong kikiam, sobrang sarap talaga at di nagbago Ang timpla ng sauce nila. #food
Hanging Bridge. Sino sa inyo ang nakapagtry na tumawid sa hanging Bridge kagaya nito? Actually ito ang dinadaanan namin kapag pupunta kami sa bayan or sa school namin pero ngayon may pinagawa ng ibang daan kung saan di na kami dadaan dito sa medyo shaky na hanging Bridge na ito. Kahapon dumaan ulit ako dito kasi mas malapit kapag dito ako dadaan papunta sa bahay ng mga tita ko compare doon sa bagong daan. Napansin ko nga na medyo di na nila inaayos at marami nang sira ang…
I'm gonna spoil my self today haha. Minsan lang din naman ako kumain sa mga ganitong resto kaya sulitin ko na ngayon. Di ko sure kung mauubos ko ba ito pero parang Kaya ko naman HAHAHAHA. Tara kain tayo!
It's Friday! Finally, Friday na naman at bukas weekend na at pwede na magpahinga sa mga school works and activities hehe. Umagang umaga palang pero tingnan niyo naman, halos di na kami makausad dahil sa traffic dulot ng mga maagang pumapasok na estudyante. Di pa naman ako late kasi 9 am pa Yung pasok namin ngayon pero Yung kasama ko dito malapit ng malate haha.
Happy Monday everyone! Simulan natin ang week na ito na masaya at produktibo. Maging masaya tayo sa bawat araw upang maging matagumpay ang ating buong linggo. Have a blessed and wonderful day!
Let's go biking! Since wala kaming pasok ngayon dahil may event sa school, naisip ko na mag biking muna ako para naman magkaroon ako ng energy at Isa din ito na mabuting exercise para sa ating katawan. Maganda magbiking dito samin dahil hindi lahat ng daan ay flat surface Kaya mas may thrill kapag nagbabike. Magandang Umaga!
Starting my day with this Big Brew Okinawa Milktea. 1 month palang simula nung magkaroon ng branch ang Big Brew dito sa amin pero halos umabot ng ilang metro ang pila dahil sa sobrang mura at sulit ng drinks na inooffer nila. 1 hour din mahigit kaming pumila haha
Tuloy parin ang face to face classes namin kahit may event sa school haha. Hahanap at hahanap talaga ng paraan si sir para makapagturo kahit walang classroom na available buti nalang talaga at bukas ang room ng lab kaya doon kami nagklase.
So I try this baby face filter sa capcut at ito nga ang naging result haha. Happy naman ako na somehow medyo hawig talaga sa yung picture na to sa mg old baby picture ko haha ang galing. Sino sa inyo ang nagtry din gumamit ng filter na to?
At mukhang maabutan pa ako ng alas dose dito dahil sa sobrang haba ng pila. Halos lahat ng high school students ata ay pumupunta dito para mag avail ng masarap at murang Big Brew milktea and coffee.
Kahapon tinapos ko basahin at iclear Ang unread ko pero ngayon bumungad ulit sakin yung 263 na unread ko huhu. Pero syempre sisipagan ko at tatapusin ko ulit basahin yan. Magandang Umaga mga kaibigan!
I'm searching for this book online pero wala ako mahanap. Ito pa naman need ko para mas maintindihan yung topic at discussion ni sir. Buti nalang talaga at pinahiram muna sa akin ng mabait kong classmate itong book niya hehe.
Medyo late na kami nakapaglunch kasi sabi ng mama ko di daw muna kami kakain sa bahay at sa labas muna kami kakain ngayon. Pagkatapos namin magsimba dumiretso agad kami dito sa paborito naming restaurant at dito na nga kami kakain ng tanghalian. Tara kain po tayo!
May laro ngayon ang basketball team ng Engineering department at kalaban nila ang CAS department kaya ito kami at todo ang cheer at halos mawalan na ng boses kasisigaw haha. Sobrang intense ng game nila kaya pati kami kinakabahan din sa magiging resulta huhu.
Happy Monday everyone! Finally na clear ko na yung unread ko haha. By the way, kumusta kayong lahat? Maayos ba ang tulog niyo? Lunes na naman ngayon at simulan natin ang araw natin na masaya tayo. Have a wonderful week ahead noisefam!
Pet essentials. Buti nalang talaga at may pet essential shop na dito sa amin kung saan makakabili kami ng mga needs ng alaga naming aso. Kompleto Sila dito, meron silang dog food, shampoo, medicine and etc. Dati kasi kapag kailangan namin bumili ng mga pet essentials ay through online pa kaya matagal pa bago dumating kaya mas mabuti talaga na merong physical store kung saan makakabili agad.
A busy day at school. First and foremost, mag meryenda muna tayo para naman may energy pa para sa event mamaya haha. At dahil nga may Olympics sa school namin, busy ang lahat sa palaro, sa pag checheer at sa pag assist sa mga needs ng player. Kaya full support talaga kami sa team ng Engineering department!
I just want to congratulate my best friend for their graduation today. Proud bestie here!
Super thankful sa maagang blessings na natanggap ko ngayong araw. Kakagising ko palang pero may dumating na agad sa akin, nakakatuwa at nakakamotivate narin at the same time para mas sipagan ko pa ang pag gawa ng content dito. Thank you noisefam!
But first, breakfast haha. Ang sarap ng breakfast ko oh, reinforced concrete design agad. Pero syempre importante rin talaga ang new lesson/topic para matuto at para magamit din sa pag rereview sa board exam.
Supposedly ngayon ang laban ng para sa athletics kaso sa di inaasahan biglang umulan ng malakas at na postponed ang laro at naresched nalang kinabukasan dahil sobrang putik at dulas na ng tatakbuhan nila. Excited pa naman din sana ako manood at magcheer
After dinner snack. Datiyung tig pipiso lang ang nabibili kong ganito pero ngayon may 55g version na tapos merong mas malaki pa dito nasa 18 pesos ata yun binebenta. Ito yung palagi kong binibili tuwing recess nung elementary palang ako hahaha.
Rise and shine! Parang kailan lang Monday pa tapos ngayon mid week na naman. Medyo makulimlim dito sa amin at parang babagsak na ang ulan maya maya. Ramdam niyo ba yung lindol? Ingat po tayong lahat.
Morning playlist. Ito talaga ang madalas kong pakinggan tuwing umaga. Kapag nakikinig ako ng mga ganitong klase at genre ng music parang mas namomotivate ako na maging mas productive sa buong araw at sa buong linggo. Parang mood setter siya every day para sakin, nagiging mas calm at focus din ako sa mga ginagawa ko kaya pinatugtog ko rin to tuwing nag rereview ako. Ito yung link sa YouTube para mapakinggan niyo din hehe. https://youtu.be/8t6h3wid0Pg
Sobrang lakas na ng ulan dito samin at ang kinakatakot lang namin ay ang mangyari ulit ang ganito kalaking bahay. Throwback picture ito 2 years ago, di ko na matandaan kung anong bagyo ang tumama pero ganito yung naging result dito sa amin. May isang hanging Bridge kasi dito sa amin na isa sa pangunahing tawiran ng kalapit barangay namin papunta sa ibang barangay. Kapag ganito katindi ang haha, hirap silang tumawid dahil madulas ang bridge at malalim ang ilog na babagsakan…
At dahil anniversary ng parents ko meron kaming konting handa para sa kanila. Gumawa kami ng buko salad kagabi for dessert at nag turbo narin kami ng manok para ulam namin ngayong gabi. Sa di inaasahan nag padeliver bigla ang aking kapatid na nasa manila ng Jollibee Spaghetti, Burger steak at Isang bucket ng Jollibee chicken joy. Mukhang di muna ako makakapag diet nito hahaha.
Isang malamig na Umaga sa inyong lahat. Walang tigil ang pagbuhos ng malakas na ulan kagabi kaya ito ngayon ang naging resulta. Bumaha na nga ang ilog sa kalapit barangay namin at maputik din ang daan sa bundok kaya hirap ang mga taga roon na bumaba o pumunta sa kanilang pupuntahan.
At kakambal nga ng malakas na ulan ang maya't mayang power interruption. Ngayon lang ulit bumalik ang kuryente dito sa amin at nag open na nga ako ng noise app ko at ito na naman ang mga unread ko na kailangan kong tapusin hehe. Umuulan din ba diyan sa inyo?
Na intriga na talaga ako sa larong to. Halos lahat ng friends ko nag install na ng game na to at halos mabaliw na sila kakaisip ng ways kung paano masave yung dog sa bees haha. Pati sa Facebook marami din nagseshare ng doge rescue game moment nila kaya parang mapapa-install na talaga ako ng game na to haha.
Tadaaa! Our pet rabbit is now a mom of 6 cute baby rabbits. Ganito pala kaliit ang rabbit kapag bagong panganak palang, akala ko dati mas maliit pa dito. Ang kucute nila kahit wala pa silang balahibo at mukhang gentle din sila at madaling hawakan.
Hindi pa lumaland fall yung bagyo pero sobrang lakas na ng ulan dito. Tatlong araw na ng walang tigil na ulan dito kaya kabikabila din ang pag brown out. Kababalik lang ngayon ng kuryente kaya ngayon lang din ako nakapag update dito. Sana humina na talaga ng tuluyan ng bagyo, kawawa naman yung mga farmers na madadamage Yung mga pananim nila.
Thank you sa bawat Umagang pagpapakilig noise! Mas ginaganahan talaga ako kapag ganito ang bungad ng umaga sakin.
Grabe pala talaga ang epekto ng bagyong paeng dito sa Southern region. Nakita ko lang yang picture habang nag soscroll sa Facebook. May caption yan na #PrayforAklan, medyo malapit lang ang aklan sa amin kaya pala ganun din kalakas yung hangin at ulan dito. Mag ingat po tayo.
For the record, pang walong brown out na to at buti nalang talaga at may solar lights kami na nabili online. Malaking tulong talaga to kahit medyo pricey siya ay sulit naman. Naglalast yung ilaw niya ng almost 9 hours kaya di na namin need gumamit ng candle kapag brown out. Must have talaga to
Kamusta kayo? Isang buong araw din akong di naka-update dahil walang kuryente dito sa amin at wala ding wifi. Signal #2 dito sa amin kaya malakas talaga ang ulan at hangin dito kahapon at ngayon. Maraming natumbang puno at poste ng kuryente kaya pahirapan talaga ang pag clearing dito kahapon. Mabuti nalang at okay na ngayon.
Grabe ang lala ng sitwasyon ngayon sa Mindanao 😭. Nakakadurog ng puso makita yung ganitong mga post. Sana naman matulungan sila agad at marescue ang mga tao doon, sobrang kailangan nila ng tulong. Let's pray for the safety of our kababayan in Mindanao 🙏
Late ang lunch namin ngayon dahil naging busy kami kakalinis ng mga nalaglag na dahon at sanga ng puno. Ginataang Pato ang ulam namin ngayon kasi maraming nalaglag na buko ng niyog dito malapit sa amin kaya naisip namin na mag gata nalang. Kain po tayo!
Ganito na kainit kaninang ala una pero nung bandang alas kwatro na bigla bigla na namang bumuhos ang malakas na ulan. Buti nalang talaga at nagdala ako ng payong dahil kung hindi basang sisiw akong makakauwi sa bahay haha
Siguro deserve ko naman to after ng stressful week dahil sa quiz at bagyo😅. Chill muna ako dito para man lang marefresh ang mind ko haha. Anyways, kamusta araw niyo? Umuulan pa ba diyan? Dito kasi umuulan pa ng konti. Ingat parin po tayo
Rise and shine kababayans! Ito ang morning scenario dito sa bahay, tinutulungan ng mama ko itong baby goat para makasurvive dahil kagabi nanginginig na siya at ayaw niya na dumede sa kanyang nanay. Binilhan nalang ni mama ng gatas para sa hayop para maging milk substitute at nang sa ganun mabuhay siya at bumalik ang lakas niya.
Payday sale is here! Nabudol na ba lahat o magpapabudol palang? Haha. Natetempt akong mag check out pero parang di ko naman siguro need po yung gamit na yun kaya next time nalang or di kaya sa 11.11 sale ko nalang bilhin haha.
I've reached my first hundred! Every day I've spent with you all on this platform has been enjoyable and worthwhile. I'm grateful to all of my pals here. Achievement for the day! Regards, noise.
Katatapos ko lang panuorin ang The School for Good and Evil. Ang ganda ng story niya about friendship at power. Super nagustuhan ko yung plot niya at I'm sure marami din sa inyo ang napanood na to or balak palang panuorin.
Tahoooooo! Ang Ganda ng umaga ko ngayon dahil dumaan dito sa amin ang nagtitinda ng taho. Bihira lang kasi ako makakain neto kasi wala na yung dating naglalako nito dito sa amin. Kaya sobrang happy ko nang may marinig ako na "tahooo", agad talaga akong tumakbo para maabutan yung naglalako at para bumili haha.