Popular na Linyahan ni Ina

29 51

Mabuhay! Isang napakaganda at maaliwalas na hapon mga iniibig kong manunulat, Ako sana'y pagbigyang gumamit ng wikang tagalog sapagkat ako'y inyong pagpahingain muna sa pagsasalita ng wikang ingles, ngayon nais kong ibahagi ang mga salitang laging binibigkas ni ina kapag si Athaliah ay pumapalpak at pakupad-kupad. Naku! Nawa'y huwag ninyo akong husgahan sapagkat ganyan din naman kayo, oh ano huwag na kayong pumalag? Damay-damay natu.

Bago ko simulan ang artikulong ito nais ko munang humingi ng despensa sa di maayos na pagkasulat sapagkat nagmamaktol na naman ang aking sikmura minsan talaga nakakabahala na ang kasabihang "FOOD IS LIFE" napasobra ata ako😑.

Oh shaaa!! Heto na di ko na papatagalin at simulan na nating pabagsakin ay este pagtuunan ng pansin ang mga salitang laging bigkas ni inang mahal.

Kakaselpon mo yan!

Ako lang ba? Ang lageng napagsasabihan ng ganito sa tuwing dadalawin ako ng mga karamdaman sa aking katawan? Nakooww! Kahit siguro magkaalmuranas ako walang ibang sisisihin kundi si selpon na naman.

Mga Anak Mayayaman ba kayo?

Jusko po inay! Kahit pa lunurin ako ng dagsa-dagsang pera ay di mawawala yang kakasermon mo, at tsaka nakaidlip lang ako ng kaunti tamad na agad? Kakaupo ko lang sa sala upang makapagpahinga lang ng ilang minuto mayaman na agad? Nakakupit lang ako ng limang pisong barya sa makaluma mong pitaka magastos na agad ? Ay wag ganon.

"Huwag ka na lang tumulong baka madaragdagan pa mga gawain ko " AT "Oh anong tinutunganga mo diyan? Tumulong ka naman!"

Ano ba talaga inay? Kung tutulong naman ako'y inyong papagalitan dahil baka madaragdagan lamang ang inyong trabaho, at kapag ako'y nanunuod lamang ay bigla kayong mag aanyong tigre. Saan ba talaga ako lulugar nay?

"Boypren.x di naman marunong sa mga gawaing bahay!"

Nay paghanga ho lamang iyon at kung tutuusin kailan po ba ako hindi nakapaglinis ng bahay? Eh ako nga lage nauutusan sa mga gawain eh kayo nga bibig nyo lang ata ang walang pahinga, hehe ako'y nagbibiro lamang ina payagan niyo na akong magkajowa😂 LOL.

Hindi ako tumatae ng pera!

Unang una sa lahat kung galing man lang sa pwetan ninyo manggaling ang pera ay mas mabuting itago niyo na lang iyan, di ko pa magustuhan amoy ng pera at baka'y di pa tanggaping pambayad ng pagbibilhan ko. At isa pa barya-barya lang naman hinihingi ko, pangbili lamang ho ng bananacue kay aling Carmen.

Pagnakabasag ng pinggan - Ratatat na naman si inang reyna! - Naku tatanga-tanga ka na namang bata ka, ilang pinggan naba nabasag mo? Mag-ingat ka naman sa susunod (ATBP) !

Huminahon lamang kayo ina, Aba'y di ko naman ho sinasadya sadyang napakadulas lang po dulot ng sabon, huwag kayong mag alala ako'y magiingat na sa susunod. Hep hep hep teka nga lang muna, noong nakabasag ba kayo ng pinggan may narinig po ba kayong salita sakin? Sinisi niyo nga yung sabon eh at kayo ay tila'y kalmado pa. Huwag ganon, napakaunfair nyo naman, magalit din ho kayo sa sarili ninyo.

Kaway kaway sa mga natamaan na neto😂

Dito na ako magtatapos mga minamahal kong mambabasa huwag niyo sana akong ibash sapagkat gawa lamang ho lahat ng iyan ng aking malikot na imahinasyon, at mahal ko po ang aking ina haha pero may halong katotohanan din naman bwahaha.

Bato bato sa langit, ang matamaan, MAGBAGO!

Kongklusyon

Kahit na sila ay tinotopak paminsan-minsan o paiba-iba ang isip at may lahing dragon alalahanin natin na sila ang nagbibigay ng buhay at pagmamahal mula ng tayo'y isinilang dito sa mundo. Sila ang ilaw ng ating mga tahanan at laging umaalalay saating mga pangangailangan, at nagpapanatili ng kalinisan sa bawat tahanan. Sa mga dakilang ina diyan! Saludo ako sainyo at deserve niyo ang pagmamahal, at respeto!

Yun lamang po at maraming salamat! Mahal ko kayo!

Sponsors of Athaliah
empty
empty
empty

Huwag ninyong kalimutang basahin ang mga artikulo ng mga kahanga-hangang manunulat na ito.

PS: I dont know if some authors have already publish this kind of article. I dont have any intention to plagiarize or steal one's article with similar content as mine

All photos credits from google.com

13
$ 5.52
$ 5.25 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Bloghound
$ 0.05 from @Momentswithmatti
+ 4

Comments

Ahaha this is the reality Moms are moms😂

$ 0.00
2 years ago

Haha relate talga ako nito, yung napagsabihan na "anak mayayaman ba kayo? "Huwag kayong tatamad-tamad"...kahit paulit-ulit yung sermon ni nanay, love na love ko pa din siya.

$ 0.01
2 years ago

Hahaha kahit mabingi tayo sa kakarinig ng mga linyang iyan basta andyan lng sla lage sa tabi natin 🤗

$ 0.00
2 years ago

Hahaha I remember my daughter asked me why I am so strict. Napaisip ako, kailangan ng maayos na sagot ang million dollar question. I told her that I needed to be strict for her own good. Para matuto dumiskarte sa buhay.

$ 0.01
2 years ago

Hahaha true ganyan talaga mga nanay pero sa likod ng bawat linyang iyan ay ang pagmamahal na walang kapantay😍🤗

$ 0.00
2 years ago

HAHAHAHAHHAHA sakto kaayo mars. Halos tanan parents hing ana ang line hahah

$ 0.00
2 years ago

Hahahaha makabungol na gane usahay way adlaw nga di nila ni isulti😂

$ 0.00
2 years ago

Tama làhat Ang MGA katagang nabangit mo, làhat NG MGA Ina ganyan, na para bang Isa itong pamana na Dapat natin manahin at ipamana SA Ating MGA Anak, hehehe

$ 0.01
User's avatar Amz
2 years ago

Hahah MAY TAMA KA! pag naging ina din cguro tayo magiging ganyan dn sguro mga linyahan natin😂

$ 0.00
2 years ago

Oo hahaha sigurado Ako diya Kasi nay na Ako at ganyan na ganyan talaga Ako, Mula SA nanag ko din Ang gayang MGA salita

$ 0.00
User's avatar Amz
2 years ago

Naku mamshie at sa wakas nahawa kana rin bwahaha mabuhay! kayong mga nanay🤗

$ 0.00
2 years ago

hahahaa, oo nga eh kaya relate na relate ako sa article mo nakakatuwa

$ 0.00
User's avatar Amz
2 years ago

nakakatawa pero totoo ang mga sabi ng mga ina natin..exaggerated nga lang minsan...

$ 0.01
2 years ago

Hahahaha sakto ka rin diyan Mamshie medyo boring din sguro paghindi sla ganyan😅

$ 0.00
2 years ago

Yung konting sakit lang sa katawan, ang laging sinasabi, di raw ako tinatatagtag at puro raw ako selpon. At saka, ayaw pang umamin na nagkamali siya ahahhaha

$ 0.01
2 years ago

Ahahaha naku ewan ko ba't karamihan ng nanay ganyan magisip hahaha swerte parin tayo na andyan sila lage nagbibigay ingay at tuwa😂🤗

$ 0.00
2 years ago

Hahaha tumpak lahat ng sinabi mo walang labis walang kulang ! Grabe yung tawa ko dito

$ 0.01
2 years ago

Hahahaha buti't napatawa kita sa artikulo ko

$ 0.00
2 years ago

Grabe ngiti ko hanggang langit haha Pag ako tumatawa habang nagseselpon sasabihin nila baliw ako wahaha

$ 0.01
2 years ago

Ahahaha or baka iisipin nilang may jowa ka😂😂

$ 0.00
2 years ago

sumbong tika kay ante😂

$ 0.01
2 years ago

Huuuyy hahahaha ing ana mn sad si ante saimo

$ 0.00
2 years ago

ayy sobra pa ana taga buntag machine gun😂

$ 0.00
2 years ago

Bwahahaha fatay ui

$ 0.00
2 years ago

Nasabihan na din po aknd ng kakaselpon yan 😬

$ 0.01
2 years ago

Hahaha kawawa naman nung selpon laging sinisisi

$ 0.00
2 years ago

Hahaha ntawa ako sobra. Pero ang pinakafamous talaga eh yung kakaselpon mo yan

$ 0.01
2 years ago

Hahaha lahat ng sakit selpon ang dahilan😂

$ 0.00
2 years ago

True! Ewan ko talaga sa mga nanay

$ 0.00
2 years ago