read.cash Log in
@April2020_ more from that month

Ayoko na... Tama na!

Gusto ko sanang sabihin sayo ito pero di ko kaya Dahil sa tuwing nakikita kita naaalala ko lang lahat .. ang lahat... lahat.. Mahal ayoko na.. tama na ! Ayoko ng ilaan pa ang oras at panahon ko sa pagpaparamdam sayo na Mahal kita, dahil alam kong ito sayo'y wala ng halaga .. TAMA NA ! Ayoko ng muli pang mabasa ang aking unan dahil sa walang tigil kong pagluha gabi-gabi habang inaalala ang lahat ng masasakit na salitang sinabi mo sakin sinta .. TAMA NA ! Ayoko ng makita kang nakangiti .. nakangiti dahil masaya ka na sa piling niya .. ang sakit mahal .. TAMA NA ! Ayoko ng lumuha pang muli habang naalala ang mga masasaya nating pagsasama .. TAMA NA! Ayoko ng marinig pa ang mga salitang I LOVE YOU, I MISS YOU , KUMAIN KA NA BA ? dahil alam ko,.. ramdam ko na ito'y hindi totoo .. TAMA NA ! Ayoko ng umasa na maibabalik pa yong dating tayo, Yung tayo na kinalimutan mo Yung tayo na iniwan mo Yung tayo na sinukuan mo Yung tayo na akala kong magtatagal hanggang dulo Tama na... Tama na sa paghawak mo sa'king kamay .. Bitawan mo na .. dahil AYOKO NA! Tama na sa pagmamakaawang sana'y balikan mo ako, dahil kahit anong pilit ko ay wala na ..AYOKO NA! TAMA NA! Ititigil ko na ang palagi kong paghingi ng iyong oras at panahon .. Tama na sa pagpapanggap natin na okay tayo .. dahil ang totoo ay hindi naman talaga .. AYOKO NA! Tama na sa pagiging tanga ko .. na alam ko na ngang wala na .. pilit ko pa ring ipinagsisiksikan ang sarili ko sayo. Ang tanga ko diba ?? Ang tanga tanga ko . Okay sige tanga na kung tanga Minahal lang naman kita . Minamahal at mamahalin pa. Kahit alam ko ng mayroon ka ng iba ... Tama na ! Ayoko na .. dahil ngayon mahal ..MALAYA KA NA !

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.