read.cash Log in
A@Angge026

Ayaw ko sumulat ng tula

Ayaw ko sumulat ng tula kung ikaw lang din ang paksa. Natatakot akong magbalik-tanaw Sa kung ano ang nabuo sa atin dati. Mali. Sa kung ano ang muntik na sanang mabuo sa atin dati. Ayaw ko na sumulat ng tula Dahil alam kong ang tintang ipansusulat ko rito ay mga alaala mula ng tayo ay nagkakilala Ngunit bakit nga ba ako mag-aalala Na maubusan ng tinta Gayong batid ko naman na marami akong alaalang binulsa noong kasama ka pa. Ayaw ko sumulat ng tula Tapos ikaw ang paksa Dahil baka hindi mag-tugma Ang bawat mong kataga dati Sa kung ano ang ating sinapit ngayon. Ayaw kong sukatin.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.