0
4
Ako lang ata ang takot sa umaga... hindi ako aswang ha? kung yun ang iniisip nyo :) pag sapit ng umaga at pag dilat ng mata mag u umpisa na naman ang problema.
Praning na nga yata ako dahil sa tuwing may araw halos sumabog utak ko sa dami-dami ng problema. Di mo maiwasan mag-isip ng kung ano-ano lalo pa't sa sitwasyon natin ngayon...
Sa bawat araw lagi kong hinihintay ang pagsapit ng dilim. Gabi ang natatangi kong sandalan sa lahat ng oras at ang oras ng pagtulog ang akin kalayaan sa lahat ng problemang kumukulong saking isipan.