Gagamitin ko muna ang wikang tagalog dahil kadalasang isinusulat ko ay wikang engles. Sana ay magustuhan nyo ang aking paksa ngayong araw.
Minsan, may naiisip ka bang mga bagay na hinding hindi mo maintindihan? Na mga tanong nagumugulo sayo?
Ito ang iba sa mga tanong na gumugulo sa aking isip habang sinusulat ko ang artikulong ito:
Ano kaya ang pakiramdam na maging isang hayop?
Ito ang isa kong mga pinag-iisipan at mga tanong sa aking isip na hinding hindi ko malalaman ang sagot. Napakadaming mga tanong ang aking mga naiisip tungkol sa mga hayop.
Ito ang mga iba kong mga tanong tungkol sa mga hayop:
Ano kaya ang pakiramdam na maging hayop? - naisip nyo na rin ba kung ano ang pakiramdam ng na maging hayop? Kung ano ang kanilang mga nasa isip. Paano Kaya kung tayo ay isa sa mga hayop katulad ng aso, ano kaya ang nasa isip natin.
kung ang mga hayop ay nagkaka-intindihan o pano sila nagkaka intindihan. - isa din ito sa aking mga naiisip tuwing iniisip ko kung ano ang pakiramdam na maging hayop. Iniisip ko, paano sila nagkakaintindihan ss pagtatahol lamang? Kung naririnig natin ang mga tahol ng mga hayop, iisa lang ang kanilang mga tunog. Ngunit kung tayo ay mga aso, iba iba ba ang ibigsabihin ng kanilang pag tahol?
may magkakaibang muka din ba sila katulad ng tao? - natanong mo na din ba ito sa iyong sarili? Kung titignan lang natin ang mga itsura ng mga hayop katulad ng mga pusa, mukhang makaka parehas lang ang kani-kanilang mga mukha maliban sa iba't ibang uri ng kanilang mga kulay, mabalbon o hindi at iba pa ngunit pag titignan natin ang kanilang mga itsura ay parang pareparehas. Kung tayo ay isang mga pusa, iba iba kaya ang mga itsura nila katulad ng mga tao?
Gaano kahirap kumain ang mga hayop? - Paano nga ba? Nahihirapan ba sila sa pagkain o ito'y madali lang para sa kanila? Kung gagayahin natin ang pag kain ng mga aso, ito ay napa kahirap dahil hindi mo gagamitin ang iyong kamay para kumain ngunit sa mga aso ay parang ang dali dali lang.
Natanong mo na din ba ito sa iyong sarili? Nalaman mo na rin ba ang mga sagot sa iyong mga katanungan? Ang dami dami nating mga katanungan, ngunit hindi natin kayang sagutin dahil hindi tayo ang nasa kalagayan nila.
Ano kaya ang nasa isip ng ibang tao?
Minsan, naiisip ko din kung ano ang iniisip ng iba o ano ang nasa isip nila ngayon. Ano kaya ang iniisip nila ngayon? Kung tayo ay nasa kanilang katawan, ano kaya ang ating pakiramdam o ano kaya naman ang ating iisipin? Ano Kaya ang gagawin nila? Iniisip din kaya nila ako o hindi
Kapag iniisip ko ito, parang gusto kong pumunta sa kanilang katawan at tignan kung ano ang kanilang nasa isip at alamin kung parehas ba kami ng iniisip.
Hindi ba tayo na na-iinip sa pag natutulog?
Ito ang isa sa mga nakaka litong mga tanong na aking naiisip kapag ako ay patulog na. Ito ang iba sa aking mga katanungan na ang hirap isipin o sabihin kung paano nga ba.
Ano kaya ang ating iniisip habang tayo ay tulog? Kapag tayo kaya ay tulog, ano kaya ang nasa isip natin? Nakaka isip parin ba kaya tayo o ano nga ba? Hindi natin mapapaliwanag ang ating mga iniisip tuwing tayo ay tulog na dahil madali natin itong maka limutan. Minsan iniisip ko din kung ipipikit ko ang aking mga mata, paano ako nakaka tulog? Sa tuwing iisipin ko ito ay hindi ako maka tulog dahil di ko maintindihan ang mga sagot sa aking katanungan.
Pag tayo ba ay natutulog, bakit tayo hindi naiinip ? Bakit nga ba? Tayo ay naka higa lamang at walang ginagawa na kahit ano. Ngunit samantalang pag tayo ay hindi tulog at walang magawa ay naka nakaka inip na.
Ano ang pakiramdam kung tayo ay patay na?
Kung iyong iisipin, ano kaya ang pakiramdam ng wala ng buhay. Ano na ang ating gagawin pag tayo ay patay na? Tayo ba ay magiging isang multo katulad ng ating mga napapanood, o tayo'y bigla nalang mawawala at wala nang gagawin. Pag tayo'y patay na, ang pakiramdam ba natin ay tayo'y parang naka higa lang? O ano nga ba?
Kahit na pag-isipan mo to ng ilang beses, hinding hindi natin malalaman ang nasagutan, dahil tayo ay buhay pa at nababasa mo pa ang aking artikulong isinulat.
Nauubos ba ang ating mga luha?
Nauubos kaya ang ating luha kapag tayo ay walang tigil sa pag iyak? Minsan napapa isip din ako kung paano kung naubos ang ating luha at wala itong mailabas. Nauubos kaya ito o hindi? Paano kung tayo ay umiiyak ng walang humpay o walang tigil sa isang araw, mauubos kaya ang ating mga luha?
Ayan ang mga ibang mga tanong na gumugulo sa aking isip.Natanong mo na din ba ito sa itong sarili? Mayroon ka rin bang mga tanong na hindi mo din maintindihan? Ano iyon?
Ngayon, ikaw ay nasa dulo na ng artikulong ito. maraming salamat sa pagbabasa mo hanggang dulo.
Out of this world mga tanong mo beb...pero minsan natanong ko na rin kung paano maging hayop at pano maging ibang to kagaya nang mga artista..kung ano ba ibig sabihan nang freedom para sa kanila...di ko pa natanong sa sarili ko pag tulog☺
God Bless!