PAMPAANTOK :)
Hello noisefamily kumusta ako super busy ei haha sandamakmak na labahan kanina kaya after nun nag relax muna after kay tiktok napunta naman sa we sing iwan koba narerelax isip ko kapag nakakanta ako kahit ayaw naman nang kanta sakin haha
https://wesingapp.com/user/609c94802429348d3c47/song/kkZ3onXytCngvXb3-PasulyapSulyap?lang=en&ws_channel=copylink&from_page=2299
Goodnight guys bukas ulit tayu chikahan
@Amara89
#photonotmine
A Quick post of mine
Accept your mistakes we are not perfect but atleast we learn to do things perfectly..
We are not beautiful in the others eyes but we let things happen in a good way
Have a peaceful night everyone may your heart be full of love and happiness.
#IEDITONLYWITHMYNAME
#PHOTONOTMINE
@Amara89<
SUSKO BUTI DI PUMAYAG SI HUBEE :)
Si bunso ang salarin bakit nakalabas na naman kami nang bahay hahaha off duty kasi nang papa niya kaya lagi niya nakikita ang motor lagi tinuturo ang susi nang motor kaya wlang nagawa si hubee kundi igala ang kanyang unico ejo sa airport naisipan naming mag stroll
Ayan yong pabungad sa airport malapit kasi sa dagat ang view kaya overlooking jan kami muna tumambay saglit nong pauwi na kami
Nauhaw ang bata kaya ayan napa dropbye sa milktea station natawa lang ako sa ganap namin duon paano ba naman kasi niyaya kaming picturan daw nong may ari para e post sa social media haha hindi pumayag si hubee at gulat din ako bakit di nalang mismong mukha nila ang gamitin pang post hehe peru i guess proof yon nila na tinangkilik talaga business nila peru hindi talaga mapilit si hubee hahaha
#FUNMOMENT
@Amara89
KAPAG LABANDERA KA SWERTE KA :)
Sana isang milyon yan bwahaha ilang beses na talaga ako nakakuha nang pera kapag naglalaba minsan mga barya paano ba naman kasi hindi na ako nagbabanlaw at first kasi hindi naman madudumi mga damit twice a day kasi kami nagbibihis bukod pa jan kukulangin supply ko sa tubig dahil kunti lang mga pag imbakan ko..
I guess may mga barya jan sa loob nang washing namin kasi parang maingay na yong tunog niya ei hindi lang namin binuksan may nakita ako sa tiktok na binuksan ayun may barya nakakpasok pala talaga noh peru minsan may nakukuha naman akong barya like 10 0r 5 sa piso lang wala iwan ko lang kung nakapasok nga ba don sa loob hehe
O siya kumusta mga kaingay masyado din ba kayong busy well di kayo nag iisa kaya apperr tayu jan ahahah
@Amara89
ISANG ARAW NA PAGOD :)
May pa ganito din ba sa lugar niyo mga kaingay bawal na pala bigyan ang 4ps,UCT,senior citizine bsta yong mga may account na galing sa government, actually late kona to nalaman buti nalang nong nasa work pa ako doing may task e may nag maritess sakin bout this kaya late na ako nakapunta and on my first attempt sa pagpila grabee ang daming tao as in nag stamped na talaga last friday ata yun.
So bumalik ako monday and sad to say hindi daw pwde ang bago na wala pang number bahaw daw muna e ccater nila kaya umuwing bigo kasama dalawang chikiting kaloka nasayangan ako sa pamasahe ko peru nong hapon bumalik ako dahil nag inform yong kapitbahay namin baka makahabol pa daw kami kasi maga natapos yong bahaw peru sadly hindi kami nakaabot ksama ko kapatid ko na late out kami sa 5pm na oras nang cut off.
So kahapon nang madaling araw mga 4:30am kami pumunta grbee may nauna pa pala samin dahil my 11pm palang andon na, don na ata natulog kaloka kaya pang 258 na yong number ko 350 lang kasi e ccater nila dala kopa mga bata kahit pagod kakatayo worth it naman dahil nakuha kona rin kaya isang araw akong pagod hehe
#WALA PANG LAMAN
#FREEATM
@Amara89

GUYS SA HILAW BA KAYO O HINOG :)
Apple manggo daw tawag jan kaya pala mabango siya nanunukso yong bango niya
kahit hindi ako masyadong fan sa hilaw hahaha parang gusto kona agad balatan binigay sakin nang sister ko ano kaya naisip nun ei hindi naman ako mahilig sa manggang hilaw hehe kakain lang ako kapag swak sa panlasa ko may mangga din kasi na sobrang asim yong tipong mapapakindat ka nalang bigla kahit dimo naman crush charrot lang hahaha(for boys only) hahha sila lang naman kasi yong kumikindat hindi naman ang girls arruyy hhehe
Dahil bawal tanggihan ang grasya ayan tinanggap kona matakaw din naman ang bagets pag ganyan hilaw sawsaw nila sa maanghang na toyu isang kilo daw yan nasa 40 pesos per kilo
Aba hindi din ako nagpahuli tumikim din ako at yun recommended talaga siyang kainin dahil sakto lang yong asim niya nagblend din siya sa tamis kaya pasado siya sakin hahaha
#Swaksapanlasa
#APPLEMANGGO
@Amara89
HINDI WORTH TO WAIT :)
Strolling again lately with hubee pumunta kami sa bayan para magpa print sa mga na lay out ni panganay na activity since sa phone ko naka save so kami nalang pumunta
At dahil rush hour na for lunch bibili nalang sana kami nang lutong ulam para sa chikiting na naiwan sa bahay so nag antay kami talaga nang 30 minutes peru akala namin mabibigyan kami yun pala sumakto na naubos na yong luto hilaw pa ei di na namin mahintay yun kalurky kaya uwiang walang dala kasi close din mga karenderya na nadaanan namin dahil sunday nga ang ending bumili nalang kami nang de latang ulam at for kids naman yong tirang chicken loaf huhuhehe
Minsan talaga hindi worth it ang pag aantay kasi mabibigo kalang pala charrot
Kumusta mga kaingay busy ang life ko may ubo kasi si bunso kaya sobrang clingy niya
@Amara89
SATURDAY IS LAUNDRY DAY
Hello noisers family kumusta ang weather jan sa inyu sa amin medjo makulimlim peru di talaga puwedeng hindi maglaba ilang days kasi akong hindi nakapaglaba kaya tambak na..
Tanghali na ako nagising dahil uminom ako nang ceterizine dahil bahing ako nang bahing grabee talaga to magpa antok sakin kaya mga 7am na ako nagising na dapat sana 5 oclock kasi nga nakaplano na ako na maglaba naka dalawang salang palang ako kasi asekaso pa sa breakfast.
O siya tapusin ko lang to guys at maya tayu mag chikahan
@Amara89
ANG CORNY NITO :)
Hello noisers family madalas din ba kayo pagsabihan nang frend mo na ang corny mo haha well thats part of your kalog moments sabay tawanan ang sarap lang magkaron nang kaibigang makulit madaldal, masungit loka loka haha nakaka goodvives lang kasi diba most of my frends ganyan ei kaya nakakahawa din ang vibes nila syempre sa goodvibes lang tayu pwde mahawa haha
Anyway sobrang init today kaya ayan kain naman nang pampakalma nang init nang mundo wag lang nang ulo dahil ibang usapan na yan hehe
Siya cornito muna tayu guys kayo ba anong meryenda hinanda niyo jan pa share naman charrot^-^
#Corneto
@Amara89
SAAN AABOT ANG 1K PESOS MO :)
Jusko akala kopa naman 5hundred okay na kalurky ang mahal pala nang P. E uniform at tshirt 5hundred na up and down kasi 150 yong tshirt tapos 350 yong jogging pants dipa kasama mga ibang requirements jan grabee guys ganyan price niya dito kaya yong 1k namin naku barya lang natira huhu
Kung sa city sana mas mura don kaso yong time mo at pagod sa pagala plus pamasahe pa edi dito nalang choice mo mas malapit kasi tong binilhan namin sa bahay mga 30 minutes lang siguro byahe.
Firstmonth palang sa school ni panganay ang dami nang requirements bawat teacher iba iba kasi subject teacher nila kaya kung ano ano nalang hinihinging project kaya ayan napakamot na naman sa ulo ang papa nila hehehe hayss buhay ganun talaga ei basta magtino lang siya sa pag aaral niya andito lang kami support sa kanya.
#SCHOOLPROJECTS
@Amara89
KAINAN NA GUYS :)
Mainit init pa talaga yang nasa picture na sabaw haha makulimlim na nong nanguha kami nang malonggay sa bakuran my ebidensiya talaga haha
Anyway malakas talaga kami sa sabaw kpag naubusan nang gulay pansabaw kuha lang sa bakuran parang minsan lang kami ma miss out dito hehe iba pa din kasi ang busog kapag may sabaw kaya ayan nagsabaw ako at pritong isda ang pamares
Sa hirap nang buhay ngayon kailangan talaga magtipid kaya ayan simpleng ulam lang sapat na
kumusta mga kaingay i know tapos na kayong kumain sana nabusog din kayo :)
#FRESHMALONGGAY
+
@Amara89
GINGER TEA
Ayan mga mates nag pure salabat ang lola niyo paano ba naman kasi iba pakiramdam ko sa lalamunan ko parang masakit para akong magkaka trangkaso hayss sana naman hindi tumuloy kaya pagtiyagaan ko muna si luya syempre huhugasan muna bago natin siya hiwain
Ang sarap sa pakiramdam yong medjo mainit init mopa siyang inumin balak ko din mag steam para mas guminhawa pa pakiramdam ko nauuso kasi ngayon talaga ang flu dulot nang ulan init plus samahan pa nang madaming gawain hindi naman pwdeng humilata lang tayu kasi may mga umaasa pa satin. Naalala ko pala naambunan kasi ako nong isang araw dahil kinuha ko sinampay ko
Kaya kayo jan wag niyoko gayahin na nagpa ambon lesson learned din kasi sakin yon mas okay pa siguro maligo nalang sa ulan kesa magpa ambon lakas maka cause nang flu yon..
O siya goodmorning sa mga gising na jan at sa mga tulog pa tuloy niyo lang ang magandang panaginip kasama siya hehehe gandang umaga po mga kaingay
@Amara89
A BLESSED SUNDAY NOISERS FRIENDS
Ang ganda nang weather dito samin ngayon thanks God naman ilang araw din yong pag uulan dito peru buti nalang sa gabi lang siya kaya nakakakilos pa din sa araw
Kaya naman naglaba ako ngayon guys bukas kasi may task na naman akong dapat tapusin kaya habang may time e push ang mga gawain patapos n ako isang salang nalang kasi nong isang araw naglaba din ako
Kumusta ang weather jan sa inyo mga kaingay sanay maayos din tulad samin
#quickpost
@Amara89
CASH FOR WORK
Ganap kanina mga kaingay nag tree planting kami malapit sa baranggay namin isa po itong programa nang MSWD kung saan tumutulong mabigyan nang trabaho yong mga nangangailangan nang assistance syempre isa tayu sa mapalad na nabigyan malaking tulong din kasi may studayante po ako bali 120 lang po kami lahat from first batch to second batch hinati kasi kami by cluster 1 and 2 may taga assist din samin na baranggay officials kung ano mga dapat gawin
Actually 10 days lang po itong work namin gusto ko din kasi nakkapagpawis kami para kaming nasa adventure nag hike lang kasi kami nong first day ko grabee ang sakit nang mga paa ko kasi ang tagal kona hindi nagawang maglakad nang malayo. Yan pala yong sasakyan karga lang po jan yong mga kahoy na seedlings.
Bukod sa tree planting may gardening pa po which is sa monday naman ganapin nakakapagod pero worth it naman kasi para lang akong nag exercise After 10 days wait nalang kami sa sahod..
#TREEPLANTING
#PROTECTAHAN
#ANGKALIKASAN
@Amara89
TIIS TIIS MUNA
Baon nang anak ko pancit lang at nilagang itlog nag karne kasi siya last day kaya para maiba yan nalang muna yong tirang paksiw prinito ko at pinang breakfast namin sabi ko okay lang ba sayo to sabi niya okay lang yan mama peru may pera naman ako pinabaon kung sakali may gusto siyang ulam don sa canteen nila peru ang hirap daw kasi laging ubos sa dami nang studyante jusko tatlong libo ata sa whole campus jusko pagka dami kaya para maka sure na may makain siya pabaonan kopa din atleast kapag naubusan may kakainin pa din siya
Hayss 70 per day bigay ko sa kanya pamasahe kasi 4O back and fort na yun tapos snacks niya at pang ulam dipa nga kasama kung may xerox sila at pati sa kapatid niya elementary palang din pambaon din ang hirap pala nang may highschool noh first time hahah kaloka kaya budget talaga ako
O siya mga kaingay maya na tayu mag chika ha may pasok pa kasi ako 7:30 inn ko de bali madali lang naman task ko mga 10am makauwi na need mang hapit para sa studyante heheh gandang umaga sa lahat mga kaingay
#QUICKPOST
@Amara89
SABAW LANG MALAKAS :)
Late evening noisers frends ngayon lang ako nakapag ingay super busy nang life ko ngayon kaya di agad nakapag open de bale 10 days lang naman tong task ko after nito focus na ulit ako sa inyo :)
Anyways nagsabaw ako kanina for dinner and paksiw sahog ko sa sabaw yong isda din haha gustong gusto kasi ni bunso talaga na may sabaw pag wala naku dalawang kutsara lang makain kaya kahit tinamad ako minsan mapipilitan talaga dahil mas madami makain niya pag may sabaw
Ang dami pang tira sa isda wala kasi si hubee kaya halos ako lang ang kumain maarte sa paksiw ang bagets gusto nila prito kaya bukas e prito ko nalang to mas malasa din naman kasi may timpla na siya
Kumusta mga kaingay anong ganap niyo today
@Amara89
SAYOTE AND CORNBEEF PWDE NGA BA :)
Ofcourse para sakin hahah iwan ko lang sa inyo guys imbento na naman nang ulam actually madalas talaga pansahog jan is yong patatas peru treny ko lang naman si sayote kung pwde ba
para sakin okay lang naman ang lasa ayoko sana kay sayote ei peru sayang din kasi siya wala pa din akong pang tinola kaya ayan nalang muna
First niluto ko muna si sayote kasi medjo matagal siya maluto diba nilagyan ko nang kunting kunting water as in kunti lang talaga pampaluto lang sa sayote nong medjo paluto na nilagay kona si cornbeef at tinimplahan at ayan na ang result niya
#imbentongulam
@Amara89
ABAY RELATE AKO DITO
Ako nong highschool ei grabee ang kaba ko talaga pag introduce yourself mas lalo na yong lead the prayer kasi diko alam saan magsisimula haha
anyway goodvibes lang po tayu before i sleep ang dami ko kasing ganap as of this day saka ko nalang sasabihin kapag may documents na ako hehe as of now ito lang muna e sshare ko para mawala din naman tong pagka serioso natin sa mga iniisip nating problema wala namang tao siguro na wlang problema sa buhay kaya give time to chill for yourself itawa nalang natin ang lahat nang yan at syemre pinaka the best weapon pa din natin is through PRAYER..
O siya mga kaingay sana okay lang kayong lahat ngayon lalong lalo na sa mga lugar na may balitang
may bagyo keep safe po kayo guys.. segee bukas ulit ha need ko kasi mag rest para may energy naman tayu ulit makipagchika sa inyu..
#CTTOFORMYPHOTO
#GOODVIBES
@Amara89
BIGLANG LAGNAT:(
Yong tipong pagod na pagod ka sa buong maghapon tapos bigla pang may magkasakit magapahinga na sana ako at nahiga itong si babygirl nakasobsob sa likoran ko taz feel ko talaga na may kakaiba ang init kasi nang hanging binubuga sa bibig niya kaya cheneck ko agad aruuuy mainit nga..
Buti may natira pa don sa stock na pinainum ko din kay bunso last time pasok naman sa age niya kasi 1 to 5 years old sana lang dahil. lang to sa pa bago bagong panahon ang init kasi kanina tapos biglang naulan
O siya mga kaingay bukas nalang ulit magchika
@Amara89
My KIND OF SUNDAY
Ayan naki joyride ako kay hubee kanina galing kami sa bayan para bumili nang ulam minsanan lang din kasi ako lumabas talagang bahay lang ako at asekaso sa bagets buti bukas pa nang hapon pasok ni hubee kaya nagka time mag bonding hehe
Syempre pinaka highlights ko talaga jan is yong sunset peru hindi ko magawang picturan nang perfect haha hayss ang hirap pag low quality lang phone natin peru okay lang hindi naman yan importante as long as we are happy and contented sa isang bagay sapat na yun
BUkas na talaga ang pasukan kaya need matulog nang maaga peru 10pm na pala napasarap ang nuod sa kmjs
O siya mga kaingay update for chikahan para bukas haha goodnight sa inyo naway maganda ang buong gabi nating lahat..
#ASOTPUSA:)
@Amara89
DAPAT CHILL LANG TALAGA :)
Ganap kanina mga kaingay mauubusan ka nang pasensya sa haba nang pila hindi ko talaga yan enexpect buti nakuha kopang mag chill sa sobrang sakit nang paa ko kakatayu while waiting ma punch yong mga pinamili naming school supplies ni hubee
Around 11am kami pumasok sa store nakalabas kami mga quarter to 1pm na see haha ang tagal ang ibang mamimili iniwan nalang yong pinamili sa haba nang pilahan mauubusan ka nang pasensya haha buti nalang mahaba yong akin kaya nakuha kopang magselfie charrot si ate ko nag iba nang distinasyon dahil may bibilhin pa daw siya so naiwan kami don sa store ang init at siksikan pa sa pagpila kaya naku si hubee kona ang pinapila ko at don ako sa gilid nang stante nagchill sumandal at nakiselfie na rin haha
Mura lang kasi sa kanila biruin mo sa iba 25 pesos bawat notebook samantalang sa store na yan 18 pesos lang tapos good quality pa so nagpakahirap talaga kami haha kaya ayan daming tao buti mga maritess yong nakasabayan namin kaya medjo nawala din pagka inip sa pag aantay
Buti nalang andon si taho paglabas namin kaya nahimasmasan uhaw namin at inip hehe
FEELIN HUNGRY MAKES ME AWAKE :)
Its already 3am here in the philipines and im still awake i felt hungry haha lol so i have here my chocolate drink i bought lately at store and ofcourse my favorite hopia
After this i will be back to sleep again actually im soo sleepy pa to get up and i felt lazy to wake up too in the middle of the night i just choose to sleep and stay fine eventhough im not haha but those times makes me realize of what happen to me i have a stomachache on the same night so now i learned from my mistake hehe
So by now while im typing on this i cant help my eyes from getting closed haha so guys i have to say goodmornight and have a good sleep too..
iba pala pag gutom mapa english ka bigla kaya nakakatakot hahahah
#IMFEELINGCRAZY:)
@Amara89
LABA NA TAYO :)
Di na talaga mapipigilan sa monday na talaga ang pasukan kaya busy ako ngayon sa paglalaba at paglilinis para sa monday tuyo na lahat bagets na naman asekasohin syempre mag iiba na routin natin bawal na magpuyat para maaga magising
Kaya heto nakadalawang salang na ako ngayon after nito kung maaga matapos linis naman bukas kasi ako mamili nang school supplies kaya on rush na ako ngayon sa mga gawain
Kumusta ang mga momshie na may mga studyante jan busy din ba kayo hehe at sa mga studyanteng kumakayod mag isa dahil malayo sa pamilya push lang guys kaya niyo yan isipin ang future
O siya laba muna guys mamaya na tayu mag chikahan hehe
@Amara89
APPLE OF THE EYE :)
Makulimlim na hapon guys grabee ang sama nang panahon samin ngayon hindi tuloy ako nakapaglaba haha every 3 days kasi laba na ako para di matambakan peru dahil medjo masama ang panahon hindi natuloy medjo din tinamaan tayu na parang sisiponin buti may gamot pa para sa allergy kaya inom agad tapos sabayan lang lagi nang water laking tulong talaga bahing kasi ako nang bahing kahapon pati kids ko everyday din ligo kaya thankful ako na hindi sila tinamaan dahil ulan init nga dito sa provincya
Kaya ayan more on fruits din tayu bukod sa water gusto ko sana orange o di kaya lemon peru ito lang nabili ni hubee kaya go papak na kasama bagets hinugasan kona yan bago pa nila pag agawan hahaha mahilig kasi sila sa prutas
Anyway kumusta ang araw niyo mga kaingay sana okay lang kayo jan
@Amara89
I WAS SURPRISE
Yong hindi mo enexpect peru talagang totoo pala si hubee kasi nagdrama pa sabi niya ma bigay muna kay ate (kay panganay) yong phone mo para kung sakali pasokan na hindi na ako mahirapan sunduin siya sa school syempre na tameme ako kasi paano na noise ko hahahah peru sa isip ko okay lang din kasi nga pwde ko naman siya e update after class ni ate as in sure na talaga yon yong nasa isip ko :)
Iniisip ko din na mas mahalaga kapakanan ni panganay kasi nga first time pa niya sa highschool baka kaku mahirapan siya hindi siya sanay bumyahe mag isa so yon nga pumayag din ako na si panganay nalang ang gagamit nang phone ko hahaha sabi ko segee
Tapos don na umeksina yong surprise kaloka gulat talaga ako akala ko kasi biniro lang niya ako maluko pa naman talaga yon peru tinupad niya pa din pangako niya sakin na by august daw may bago na akong phone syempre baliwala lang sakin. kung meron o wala alam ko kasi na may mas mga importanteng bagay pa kesa sa phone na yan peru wala na ako nagawa anjan na ei para daw dina ako mahirapan kapag may mga earning sites akong salihan so aarte paba ako haha salamat kuya will nalang ang peg hehe
Sorryguys napahaba tuloy kwento ko peru inaantok talaga ako habang tintype ko to hehe sna makatulog kahit minutes lang anyway kumusta mga kaingay sana okay lang kayong lahat jan
#MYNEWPARTNER:)
#THANKSHUBEEBEE
#SHARELANG

KAIN TAYU BUKO GUYS
As you can see sa 2ndpict ang panget nang texture nang buko guys peru tingnan niyo naman nong binuksan namin on my first photo tadaaaan o diba makinis kaya sabi nga nila dont judge the book buy its cover hehe
Mainit kasi samin ngayon as in tirik na tirik si haring araw kaya nauhaw ang mga camel ayun saktong sakto nag under time si hubee kaya to the rescue siya sa pagkuha peru hindi niya inakyat yan ang bigat daw nang katawan niya haha kaya si panungkit naman na may kasamang itak na tinali sa goma to the rescue sobrang tibay naman nang pagkakatali kaya no need to worry kaya ayan inubos namin isang bolig hayss iwan ko ano tagalog jan sa bolig haha..
So ayan mga nakuha namin lalagyan namin nang gatas mamaya for our meryenda
Kayo ba guys anong ganap niyo today sana okay at nag enjoy din kayo jan
#BUHAYPROBINSIYA
#FRESHBUKO
@Amara89
1YEAR NA PERU MASAKIT PA RIN
Super busy ang araw namin kanina dahil death anniversary nang aking ama,hayss grabee iyakan pa din kami pagdating namin sa cemetery ang hirap talaga makamove on kapag yong mahal muna sa buhay ang lumisan peru ganun talaga ei walang permanente sa mundo kaya ipagpasa Dios nalang namin ang lahat..
Masakit lang kasi di namin tukoy ano sakit niya dahil namatay siya nong kasagsagan nang covid kaya nadale siya sa libing agad at confirm covid kahit hindi naman nila na swab kaya lumaban kami nagreklamo kami kasi mali protocols nila ei kahit sa ganong paraan mabigyan namin hustisya pagkamatay nang papa namin hayss napakahirap peru yon yong nangyari buti nasolve namin kundi yong doctor na nag declaire mawalan nang trabaho peru nanaig pa din yong awa namin kaya nakipag settle nalang kami
Sa ngayon nasa healing process pa din kami hayss sana makamove on na kaming lahat..
#MOVINGON
#TIMEWILLHEAL
#PAPASDEATHANNIV:(
@Amara89
NATIVE CORN
Yan pala meryenda namin kanina kina mama ko dala pala yan nang brother inlaw ko last time saging na saba yong dala niya at kahapon yan ngang mais kanina pa namin niluto iba talaga pag may lupang mapagsakahan kasi may blessing na hihintayin yong father niya kasi nagttanim pa din kahit senior citizin na ayaw daw kasi na nakahilata lang dahil parang napapagod daw siya pag walang ginagwa.So hinayaan nalang nila basta di lang napabayaan ang sarili..
So yun nga nilaga namin syempre ako yong isa sa nagbalat at naglinis kasi purpose ko din bukod sa makatulong ei habol ko yong corn silk o buhok nang mais dami kasing benefits jan gawin lang tsaa kaya tinabi kona kanina bukas kopa nang umaga siya ilaga para before meal makainom na ako maraming benefits ang buhok nang mais diko na maisa isa peru
Isa pala sa benefits nang corn silk tea nakakatulong siya sa pag flow nang maayos nang ating urine
#NILAGANGMAIS
#SHARELANG
@Amara89
KINILAW WITH TILAPIA
kanina pa kami tapos mag dinner mga kaingay kayo ba nag dinner na din noh i guess tapos na talaga medjo na busy din kasi magligpit at linis tapos dikopa naayos pagpict nang food namin kanina dahil gutom na ang bulilit pinauna kona pakainin haha kaya yan nalang nasa plato ko at may tirang dalwang piraso peru isa lang din naubos ko jan. Sa kinilaw din sabaw sabaw lang ako at si pipino hehe anyway
Ang mahal na talaga nang kilo nang isda kahit yang tilapia e nagrrange na sa 200 hayss kailan kaya baba ang presyo nang mga bilihin noh no choice talaga tayu sa mga presyo ngayon yong 1k mo para nalang siyang100
#DINNERDONE
#GOODNIGHT
@Amara89
IMPROVISE OVEN
Ang galing naman nito pwde pala ganitong lutuan yong empty lata nang biscuits hehe
Nagka idea tuloy ako total gatong naman gamit namin dito sa probinsya why not to try diba haha
O guys sa mga walang oven jan at kulang sa budget para magka oven ito na ata ang solusyon hehe peru curios ako sa magiging lasa nang luto nito same lang kaya sa oven
Ang dami sana empty na lata nang mom ko last time naebenta na tuloy sa junkshop haha ang galing oh try niyo din guys
#CTTO
#PHOTONOTMINE
#SUPERCREATIVE
@Amara89