BANANACUE
Last batch na talaga to guys nang saging saba hehe may natira samin yong kamote na kulay violate naku excited na akong lutuin yon hahha ano ba yan puro nalang kain nasa isip ko haha btaw ginawa ko nalang bananacue kasi parang magiging ripe na talaga siya ito ngayon meryenda namin..
Kaya tara na mga mates lets eat na habang mainit pa to o bagong luto talaga
I BOUGHT THIS BEEDSHEETS FOR 1.2O DOLLARS OR 70 PESOS IN PHILIPPINE PESO
Not bad for the cost because the quality is good and new Im happy that i bought this two from my earning here in noise app i have plan also to buy soon pillowcase i just need to save more my earning..
Gusto ko kasi may paglalaanan ang kita ko dito kahit pa unti unti laking tulong na talaga sakin lalo na sa allowance and other fees sa school i hope this platform will grow more they really help not just by me but all of us here..
We experience power interruption whole day so i never posted anything here lately..im just here to say goodnight my fellow noisers and goodmorning to my friends in other country i hope you guys are okay
See you guys tommorrow dont forget to pray
CTTO FOR MY PHOTO
NILAGANG SAGING
Tara guys kain may nilaga na naman ako yong iba nga pahinog na talaga bigay sakin to nang aking mother in law last day,yong iba bukas gawin kong bananacue namiss kona din mag bananacue lagi kasi turon or prito maganda din sana yong coated sa flour tawag samin non maruya kaya lang masyadong matrabaho yon.
Shinare ko din kina mama yong iba ganito lang ang routine dito kapag sinong may pagkain share share lang kami..
ERCEFLORA AT ELECROLYTES
Hey guys update pala sa baby ko hes okay with hes fever now but i observe pa din sa poop niya this morning isang beses nalang kahapon kasi nakalimang beses siya mula umaga hanggang hapon kaya nag over the counter muna kami kasi out of town pa yong pedia niya gusto ko sana don sa public kaso natatakot ako kasi ang dami daw tao siksikan tapos ang tagal kaya minabuti ko nalang mag over the counter nang erceflora at binilhan kona din siya nang oresol sa awa nang Dios nawala na lagnat niya ngayon observe ko nalang kung patuloy pa din ba yong pag poop niya
Okay din naman ang mga mata niya hindi naman malamlam at medjo malikot na din siya sana nga tuloy tuloy na continue ko nalang tong erceflora niya lima yan tatlo na naubos niya
Im having lack of sleep my fellow noisers my baby now is not fine hes having a fever since yesterday thats why i have no update here all day..
Im plan to bring him to the pedia for check up or else we will go to manghihilot (massage healer) baka kasi may pilay siya..
I feel sorry guys for those comments in my discussions hindi kona ata mahahabol pa yong 15 days ago🤭 kaya nag leave nalang ako nang heart🤗 kahapon kopa kasi nasilip masyado ako nakafocus sa unread at explore natabunan tuloy yong old messages kaya ang nangyayari yong bagong dating na messages lang na rereplyan ko hahha hindi kopa talaga gamay dito kaya pacncya na guys bawi ako sa inyo silip silip lang muna ako habang nagpapagaling pa ang beebee ko anyway dapat good pa rin ang ating morning laban lang
PORK ADOBO
Hi there noisers friends how was your day went im sure others are busy lately visited thier loveones at cemetery
its raining here right now and we are all done with our dinner thats a simple pork adobo why is it simple its because the over all ingredients are garlic,black pepper,onions and soysauce but i actually marinated first that meat before i cooked..
I hope you guys are all done with your dinner too..
MY FIRST GETPAID
So much happy this november first aside from facing a brand new day my first getpaid in sound.me has been sent..
So ayan na siya on my paypal account worth it yong pag antay nang campaign at paggawa through tiktok kahit nakakahiya laban para magka earn hahaha
Anyway kumusta mga mates anong ganap natin jan kami mamaya magluto daw nang biko para sa undas
BOILED BANANA SABA
Saba is rich in vitamins A B and C let me share for those who did not know how to cook or boil this saba ,
when you bring it to boil just simply cut and trim its stem by individuals in a large pot put enough water to cover atleast 1 inch above the bananas last but not the least bring it to boil and simmer it to 20 minutes after that let it cool and serve..
O simply lang my noisers friends noh masarap din pag nilalaga ang saging super healthy pa
kain tayu guys iba tong saba na bigay kay hubee para siyang cotton i mean malambot at manamis namis kita niyo on my third photo hilaw pa siyang tingnan peru pag naluto na parang hinog ibang variety siguro to.
IM AMAZE OF THIS FORMATION
Hello happy morning to all noisers out there just want to flex this clouds formation when i wake this morning..
Nature lover talaga ako simpleng ganito lang ganda ganda na sa paningin ko peru may napansin ako habang sino zoom in ko si photo feeling ko nakakita ako nang mukha peru medjo malungkot na mukha sayang lang walang feature dito nang zoom in di niyo talaga makikita nang malapitan peru na circle ko naman wala lang feeling ko lang naman or baka antok pa ako hahha
Goodmorning
LUNCH TIME
PAKSIW NA GALONGGONG
Yan lang muna maliit na isda tipid muna tayu dami kasi bayarin sa school ei kaya sa murang isda muna ang punta bawi nalang sa sahod
Wala naman akong pili ei basta ba hindi nakakalason hahah wala naman sigurong ganun guys noh pwera nalang kung hindi mo alam san galing yong pagkain..
O siya wag mag skip nang meals ha para hindi ma tulala kakaisip sa kanya charrot lang guys smile smile lang kayu ba while kumakain o diba segee guys maya ulit
MY SISTERS RECOVERY
Sa wakas nagsilang nang healthy baby boy ang aking sisterit kaninang 6am so since busy ako late kona talaga nalaman na nanganak na pala siya
Thanks God hindi na siya pinahirapan mga 2am daw mag start maghilab ang tiyan niya syempre tulog pa ako nang time na yan kaya mga 10am kona ata nalaman nong nag send na sila nang picture nang baby boy about 6am niya isinilang ang baby boy niya
Actually sa private siya dapat manganak kaso yong pera na naipon nila kulang kasi nag leave na siya sa trabaho so hindi sapat yong kita nang husband niya na makadagdag don sa naipon nila kaso wla nakukuha niya daw kaya nakapag decide sila na sa public nalang,buti naging safe naman so malaking tipid na din yun kung ako papipiliin sa public nalang kung alam mo naman na maganda ang kanilang serbisyo importante makaraos
SATURDAY VIBES
SATURDAY VIBES
Its weekend so kids have time to watch thier favorite movies together with friends..
My daughters friend came us here early so as bonding pinayagan kona manuod peru may kapalit yan hahaha pinagtupi ko anak ko yong friend niya gusto din tumulong while ako busy sa paglalaba ngayon sila naman busy sa pagtutupi okay lang yan mga pambahay lang ang pinatupi ko yong mga malalaki at panlakad ako na para naman mabawas bawasan din tupiin.
Mas maganda na habang bata pa turuan na natin sila sa mga simpleng gawaing bahay para naman hindi na sila mahirapan paglaki nila at magiging independent pa sila pagdating nang panahon..
Anyway guys hows your saturday busy din ba like me? silip lang ako ha balik ako later
BANANA TURON
Dahil madaming bigay si mama na saging saba ayan naisipan ko gawing turon pang meryenda lang nang mga chikiting
Nabili nila ito sa 25 pesos per kilo may dumadaan kasi na naglalako na sasakyan dito samin every thursday mura lang kasi sarili daw nilang tanim mahal na to kung sa market ka bibili nasa 30 pesos na to 40 per kilo buti nalang may taga lako dito nakakain kami kapag gusto namin ayan pala ang finished kung luto sa second photo
Tara kain guys
MAY BAGYO NGA BA
Goodmorning mga ka noise grabee bumuhos na naman anh ulan dito samin umaga palang may practice pa naman sana ang mga bata sa school peru pupunta pa din kami kasi lapit na family day dipa kabisado ang steps nang sayaw..
Ayan ohh ang basang basa ang lupa bagyong paeng daw to tama ba nabasa ko lang din sa social media kaya ingat po tayu guys lalong lalo na sa mga malapit sa ilog maging alerto po buti nalang malayo kami sa ilog dito.
anyway guys i leave a heart nalang sa mga post niyo hindi kona ma isa isang ma comment nagmamadali kasi kami dahil 8am start na nang klase so pano mamaya nalang ulit ha..
Ingat
OUR VERY LATE MERIENDA
I took a nap thats why late na merienda namin nang kids ko
This is made up of yema filling pastel
Hubees want malonggay filling but theres no available so he had no choice for that yema.
This is also known as pasalabong
The texture is smooth and you feel the melty sweets feeling inside your mouth im not fun with sweets thats why we seldom to buy some
sweets but this is only once so must try it bawal daw tanggihan ang pagkain ei hehe
C'mon guys lets eat.
BOOSTING THIER SELF
Hi guys kakauwi lang namin galing sa school ni bbgirl at ayan ang ganap namin kanina nagpractice kami sa palaro nila para sa coming family day sa november..
Buti nalang active si bbgirl lahat ginawa niya sackrace,duckwalk,water relay at madami pang iba hindi na ako nahirapan na mag assist sa kanya ang ibang bata don kasi ayaw at nag iyakan natakot siguro lalo na don sa sackrace peru pilit namin minotivate para mas ma enganyo sila
Habang nagpractice sila kami din parents nagpractice para sa sayaw dahil may presentation din bawat school ang parents
anyway lunch time na mga ka noise sanay nagsikain na ang lahat..
Im feeling unwell mga ka noise app kaya nagpabili ako agad nang flanax mas mabilis kasi effect sakin niyan kaya after ko nakainom kanina pinawisan ako ngayon medjo may pagbabago naman peru hindi pa talaga totally na hindi na masakit peru carry kopa naman nakakaasekaso pa din ako sa kanila
Parang binogbog yong katawan ko siguro nabigla to ang dami ko kasing nalabhan kahapon or dahil to sa pa bago bagong
panahon hindi ko nalang masyado indain para positive ang result sakin baka kasi mas lalo ako magkasakit kung masyado ko isipin kaya hanggay kaya pa laban lang,anyway
magandang gabi mga ka noise app nag dinner naba kayo
ITS 5:05 IN THE MORNING
PHILIPPINE STANDARD TIME
Hello noisers friends i woke up lately at 3:30 kasi inasekaso ko si hubee papasok sa trabaho ang hirap pag sa airport kailangan maaga hindi ka makahindi sa schedule kasi hinahabol nila yong time nang flights
Kaya naman kailangan din gising ako to prepare sa baon niya, uniforms pati panligo niya dapat nakaready na sa gabi para smoth na lahat wala nang mag iingay hahaha 3:38 naka alis na siya peru heto ako gising pa ang hirap bumalik sa pag tulog kaya binasa ko nalang ang unread post niyo pasensya na sa mga hindi ko na nareplyan sa discussions at yong hindi ko na pususan nag ccolapse kasi ang phone ko napagod sa kkakapuso haha de bali babawi ako pag nagka time mahigit two thousan pa kasi yong nasa unread ko
anyway tara guys kape
KANINONG MANOK KAYA TO
Yong katatapos mo lang maglaba nagpapahinga ka kasi pagod ka eh may mas ipapapgod pa pala hinabol ko kasi tong manok hindi ko alam sino may ari nakalimutan ko palang masara ang pintuan sa kusina kaya gulat ako nong may naglalakad na papunta sakin
Pinagod niya ako kakahabol sa kanya kasi naman hindi niya alam paano lalabas kaya ayan kung saan saan na kami napunta sa may tv sa kwarto hanggang jan na siya na trap sa case nang coke and take note tum****e pa pasintabi sa mga kumakain hayss kaya ko nga siya palalabasin para hindi ganun ang mangyayari peru useless lang plaa ang paghabol ko naku kung di lang kasalanan nasa kawali kana hahhaha buti mabait ako charr..
HAPPY CHOOSE DAY NOISERS FRIENDS
Tuesday na ngayon kaya naman choose the day with a smile on your face leave all your worries and start the day with positive vibes laban lang tayu sa lahat nang hamon nang buhay kakambal na natin ang problema na para bang tulad nang panahong makulimlim peru asahin natin na may kaakibat yan na liwanag kaya wag susuko.
Kumusta mga kaingay napaka bad weather dito samin kaya hindi kami pumasok sa school nagchat na din yong teacher na hindi nalang tumuloy so for now focus muna ako sa gawaing bahay at sisilipi ko kayo mamay okay? stay foot lang kayu jan at akoy magbbalik for chika minute..goodmorning sa lahat
MADILIM NA GABI MGA KA NOISE
Haha meron bang maliwanag na gabi syempre madilim talaga😬
PAPAYA KAYO JAN sinong may gusto nito please fall in line hahaha hindi seryoso na tlaga mga kaingay hayaan niyo kong e flex si papaya malapit sa dirty kitchen nang aming kapitbahay kinunan ko ito kanina nong padilim na kinuha ko kasi mga sinampay ko at nakita kong marami na palang bunga ang laking tulong niya pala sa lababong gawa sa kawayan nang aming kapitbahay marupok na kasi yan peru ang katawan ni papaya ang nagsisilbing brisk para diito tuloyang masira. Alam niyo bang hindi to pinapansin masyado si papaya nang karamihan dito samin yong papaya nga nila nasisira lang sa puno kinain nalang nang ibon
Actually pinutol kona yan nong maliit pa yan kasi nga parang naka front din siya sa bahay namin peru naisip ko na wag na ulit putulin nong nakita kong may bunga na siya hindi din naman siya sagabal sa dinadaanan namin kasi nasa gilid lang siya kaya hinayaan kona kaya ayan ang dami na niyang bunga guys ang sarap tuloy mag tinolang manok na native hehe paresan nang papaya
TAWA TAWA OR EUPORBIA HIRTA HERBAL PLANT
Madalas sanhi nang lagnat nang bata is yong pilay pag iipin o di kaya infection peru kung common fever lang maganda itong herbal plant na tawa tawa o mas kilalang euporbia hirta o ashma plant ayon kay mister google..
Anyway ayan yong nakuha kong tawa tawa medjo rare nalang siya kasi nauubos ata kusa lang kasi yang tumutubo buti meron pa sa likod bahay malapit sa garden sobrang effective nito sa common fever kahapon nang tanghali nagstart yong lagnat ni bunso to the point umiyak na ako kasi kahit anong painom ko nang gamot hindi bumababa lagnat niya kaya naman to the rescue agad si tawa tawa kumuha ako nang siyam na piraso hinugasan at pinakuluan
Napuyat ako kakabanty sa kanya kasi sobrang init talaga niya hanggang sa alas 3 nang madaling araw gulat ako bumangon na at humingi nang gatas.
Kaya super thankful talaga ako ngayon na malikot na uli siya syempre kasama din ang prayers jan
As of now continue kopa din siyang pinainom nito para sure talaga na okay siya.

ARRUY ANG DAMI
Yong gusto muna sana matulog peru ang daming langgam na may pakpak kaya pinatay ko nalang ilaw sa kwarto gusto ko sana nakabukas kasi nga may lagnat si bunso peru mas lalo sila lalapit sa ilaw tapos biglang mahulog papunta dito sa bed baka kaku makagat pa kami kaloka
Seasonal din ata itong mga langgam na may pakpak kadalasan ko itong napapansin kapag maulan ang panahon
Anong klaseng langgam ba to guys
THE PAINFUL REALITY
Madalas ko tong na ffeel bat kaya ganun noh kahit anong sikap mo na makita ang worth mo still negative pa din yong mga nakikita sayo so sad reality sana lahat nang bagay ay compatible para wala na sanang problema peru i realize din na hindi ganun kadali yun kasi we have different attitude iba iba tayu nang pananaw sa buhay
Masakit lang isipin na ganun na belong ka sa sitwasyon na feeling mo wala nang pagbabago but still hoping and fighting p din naman ako still brave to face all of this..
Sorry guys emote muna tayu ngayong hapon
#CCtoformyphoto😔😬
HAPPY SUNDAY EVERYONE
Grabee ang tagal ko nagising taas na ni haring araw sobrang pagod siguro hindi ko na nga natapos ang unread ko mga 10pm palang naka tulog na ako tapos may discussions pa akong hindi nabubuksan pacncya na sa ibang hindi kopa nagala almost 1thousan and half pa ang aking babasahin..
Anyway kumusta ang gising niyo guys siguro naman restday niyo at family bonding kasi yun naman talaga pag sunday at church day ngayon ingat po sa mga papuntang simbahan
HAPPINESS IS FOUND WHEN...
When you finished your laundry hahahaha sorry guys bet ko lang tumawa
Nakakapagod maging taong bahay kaloka lahat nang gawain pa balik balik kaya eneenjoy ko nalang kanina pa ako tapos maglaba mga quarter to 2pm grabee 8am ako nag start buti tapos na patuyo na yong iba medjo kumulimlim pa naman nilabhan ko pati shoes para sa monday malinis na lahat plan ko bukas mga bedsheet at kumot tingnan lang natin kung kaya paba nang aking kapangyarihan hahaha
Teka nagutom ako anong meryenda niyo jan mga kaingay balibag niyo nman sakin yong tira😬
VEGETABLE GARDENING
Hello noisers family what keeps you busy there? i hope your doing fine anyway i just want to flex may vegetable garden her in my backyard yeah its true we dont have enough space kaya sa gilid nang fence ko nalang tinanim tong okra,sili at sitaw.
Si okra matagal konang tinanim yan sa katunayan ang dami ko nang na harvest ang bilis din kasi niyang mamunga once makapamulaklak na siya so since old na nga siya i cut them kasi sobrang taas na yong tipong matutumba na talaga hahah so i was amaze yesterday na namunga pa pala siya yong mga bagong sibol niya na mga dahon namulaklak at nagkaron nang bunga so ayan on my first pict nakaharvest pa din ako waiting nalang ako sa sitaw tanim tanim din tayu guys para makatipid yong mga walang space pwde niyo ilagay sa pot tapos gawin niyong pampataba ay yong mga lantang gulay lang din para pure organic siya.
O siya guys salamat sa matiyagang pagbabasa sorry kung napahaba.
#sharingiscaring
HAPPY WEEKEND NOISERS FRIENDS
How was your friday my fellow noisers busy pa din ba like me apper tayu jan walang araw ata na hindi busy but despite of busy days dapat we give time ourself to relax our mind and body like what i did this morning naglakad lakad ako dito lang naman sa labas nang bahay feeling ko kasi lagi nalang ako nakamokmok sa loob gawa nang gawaing bahay kaya labas labas din para maarawan.
At ayan bumungad agad si weather parang nagpapahiwatig na dapat maganda ang araw natin so lets make our day full of happiness and contentment
Have a blast people around the world
MALONGGAY SOUP WITH FRIED FISH
Para sakin perfect combination talaga si sabaw at si prito kasi iba yong busog ei hehe or ako lang nag isip nang ganito haha
Fresh from the yard pala yang si malonggay mga ka noise galing yan sa garden nang kuya ko muntik na kasing mabali yan dahil sa lakas nang ulan at hangin dito kagabi kaya pinakuha niya sakin kanina imbes na learning plan lang yong kukunin ko sana sa kanya ei may pa malonggay pang kasama hehe sakto naman may isda pa kami kaya hindi na ako nahirapan sa sahog
Alam niyo bang gustong gusto nang malonggay sa mga mabatong lugar ang bilis nilang tumubo at ang tataba pa mabato kasi talaga sa lugar namin kaya ang daming malonggay na tumutubo sa katunayan mga tao dito naumay na kami nalang ata ang hindi hahah
O siya masyado nang mahaba ang aking kwento i hope na nakakain na din kayu guys