check up Kauuwi lang galing check up kay bunso di kasi ako mapakali na di siya matingnan tumutunog kasi yong likod at dibdib niya na feeling ko hinika yun pala sabi ni doc dahil lang daw sa sipon niya at di pa siya marunong suminga kaya ayun barado ilong niya. Napuyat ako kagabi dahil natatakot ako na baka hindi siya makahinga sa sipon, ulan init kasi dito kaya yong hangin pag malanghap ayun sipon o di kaya ubo ang aabutin. Buti nalang walang gaanong seryoso na nakita sa kanya kundi sa sipon lang daw at ayan ni resita sa kanya hindi kopa nabili nahirapan kasi ako bumaba pa sa sasakyan dahil naiwan ko yong payong ko at sobrang init pa naman mamayang hapon nalang pag makauwi n din si hubs. Kaya sa mga mommies ingat ingat pag pa bugso bugso ang ulan na may kasamang init sobrang hirap pag may iniinda yong mga babies nakakaawa.
2 comments
At buti nalang maagap ka kay baby di na sya nabigyan ng anti biotic
natakot ako sis ei kasi nong nakaraang weeks ata nag antibiotic din siya ang dali niya magkasakit talaga haisst