read.cash Log in
@Amara89 more from that month

BARYA PERU MAHALAGA Dahil holiday ngayon tiis day bukas pa daw kasi makukuha ni hubbibi ang sahod niya jusko mga ka ingay yan nalang natira sa pera ko,buti nalang may mga grocery at gatas pa yong anak ko supposed to be kahapon na yong sahod niya dahil naka prenda naman ang aming ATM at hapon pa daw mahulog yong sahod tapos 3pm close na yong bank na nilaanan namin nang aming ATM kaya ayon tiis tiis nalang bukas makakaraos din. Ito yong pinakamahirap pag isa lang sa inyo ang nagtatrabho noh?hindi pa din kasi ako pwde magtrabho dahil may maliit pa na bby kaya gawa nalang nang ibang paraan kahit papano may kunting kita.Peru minsan di talaga natin maiiwasan na panghinaan nang loob lalong lalo na sa panahong may magkakasakit sa pamilya at wala kang madudukot. Dumaan din ako sa depression na yan peru pa salamat na din ako sa panginoon dahil binigyan niya ako nang pag asang ipagpatuloy ang buhay. Gayun paman pilit kong nilalaban ang lahat nang frustations ko sa buhay alang alang sa kapakan nang aking pamilya. Kaya sa mga mommies na tulad ko jan maging positibo lang tayo lagi anot ano paman ang ating pagdadaanan.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.