Laboratory isa sa mga dahilan kung di ko masyado na bisita mga post nang iba kong kaingay dahil nga sa na busy ako at nagkasakit ang anak ko na kinailangan nang agarang aksyon dahil sa nanginginig siya buong gabi.. So kinaumagahan dinala ko agad siya sa pagamutan Past 8am na kami nakarating kaya medjo madami na yong mga pasyenteng nagpapa check up may nauna pa samin tsaka may priority number at hospital number pang ipapakita. Ayun nagtiyaga kami nang anak ko maghintay,actually sa hilot sana ang gusto ni hubby baka daw kasi nalamigan lang yong pilay niya sabi kasi nong manggagamot kapagka daw may pilay na at nagkalaman na yong pilay hindi na maibabalik pa sa dati kaya kunting iglap lang pwde na pasukan nang lamig. Pero hindi talaga ako kampante hanggat hindi siya ma laboratory kasi nga 3 days na din yong lagnat niya may kasama pang matigas na ubo. Urine at CBC yong hiningi nang doctor sa kanya, So ayan na nga yong resulta sa kanya may UTI daw siya at okay naman daw po yong CBC niya clear din daw yong respiratory niya. Thankful na din ako kahit papaano binigyan kami nang free na gamot na antibiotic at multivitamins,Dalawang bottle nang antibiotic good for 7days daw po yon.. Pero nag decide kami pagkauwi na dalhin din siya sa hilot para matingnan din kung ano sanhi nang kanyang ubo.. Ngayon wala na siyang lagnat ubo nalang kaya yong tuba tuba to the rescue na naman.Sana tuloyan nang gumaing ang bby girl ko..Ingat din tayu mga ka noise dahil n uuso ngayon ang ubot sipon,lagnat..
No comments yet