Patulog na sana ako kaso lang bigla nahulog itong dragon fly. Hindi ko alam kung paano siya nakapasok ng kwarto. Lumilipad lang siya kanina sa ilaw. Bigla nahulog, buti naman buhay pa siya. Nilagay ko na muna siya sa tanim dito sa loob bukas ko nalang palabasin dahil umuulan. Dahil nga pala sa pagpicture ko sa kamay ko. Bigla ko naalala na sabi nila dati kapag may mole ka daw sa kamay makati daw kamay mo, o nangunguha ka ng hindi sayo. Sa akin mayroon akong tatlong mole pa talaga sa kamay pero never naman ako nanguha ng hindi akin. Nasa sa tao naman kung ugaliin mo ang maging ganoon diba? Tsaka masama padin manguha ng hindi sayo. At hindi din mole ang mag jujustify kung anong klaseng tao ka. Mauna na akong matulog kaingay, goodnight sa inyong lahat.
No comments yet