read.cash Log in
A@Akish more from that month

Nakakain na ba kayo ng isaw mga kaingay? Ako kasi oo maraming beses na. Noong una na pinatikim akin ng kaibigan ko akala ko talaga hindi siya masarap. Pero noong natikman ko na lagi na ako bumibili kapag may nadadaanan ako. Dito kasi samin meron nagtitinda sa labas ng gate. Limang piso isang piraso. 100 pesos ito lahat. Kaya ko ngang ubusin to lahat kaso hati kami ng kapatid ko. Hindi rin kami araw araw bumibili nito kasi sabi ng nanay ko hindi maganda sa health kapag parati kang kakain ng street food. Kaya sinunod ko nalang siya kahit isa ito sa mga paborito ko. Alam naman kasi natin na ang magulang natin ay walang ibang hangad kundi mapabuti tayo at mailayo sa kapahamakan. Kaya kapag alam naman natin na makakabuti naman sa atin sundin nalang natin.

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.