Nga pala bigla ko naalala kasi may nag send sa akin ng chain mail. Dati hakot na takot ako diyan lalo na noong bata ako. Todo pasa din ako at hindi makatulog sa gabi. Until one time sinabi ko sa ate ko. At ganito sabi niya sa akin na tumatak talaga sa isip ko. Sabi niya walang kahit ano ang makakatalo sa kapangyarihan ng diyos. Diyos lang ang karapatang mag bawi ng bigay niyang buhay. Huwag kang magpapaniwala sa chain mail. Walang makakatalo sa Diyos. Yun talaga kaya kahit anong chain mail pa matanggap ko noon wala ng kaba akong maramdaman. Kasi totoo naman walang makakahigit sa kapangyarihan ng Diyos basta nananalig ka. Kayo ba noong bata natakot din kayo sa chain mail?
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet