Share ko lang po itong mga ginawa ko gamit ang slime. Binigay kasi sa akin ng estudyante ko itong slime na ginawa niya. Dahil mahaba ang vacant hours ko noon wala sa loob lang na ginawa ko ito. Tuwang tuwa nga sila at gusto pa magapagawa ng kung ano ano pa. Yun nga lang kinulang na sa slime. Nakakamiss kabonding ang mga bata. Yung tipong mapapagod ka maghapon sa pangungulit nila pero sa huli masaya ka dahil alam mong mahal ka nila. Kailan pa kaya mauulit itong mag face to face ulit. Hindi man sa ngayon alam ko darating ulit tayo doon. Sana nga malapit nga.
No comments yet