No ONE believes in ME but MYSELF

0 7

Naalala ko nung mga araw na walang wala pa ako, ang dami kong mga kakilala, mga tropa at mga kanegosyo na sinabihan magpasok sa crypto at sumama sakin sa ibang negosyo. Ang dami kong mga negatibong salita na narinig, ang daming turn downs, even my family sinabihan ko pero ang sagot sakin magtrabaho nalang daw ako sigurado pa ako sa kikitain ko. Pero I hold on to my dreams, sabi ko makakayanan ko to, sabi ko whatever it takes gagawin ko to. Ang daming downfalls and failures and mga wrong moves na nagawa sa buhay just to achieve those goals.

But you know what, those failures and mistakes you've made are the tools you will need for your success!

Nung naka keypad phones and nakikigamit palang ako, sabi ko magkakatouch screen phone din ako, magkaka laptop din ako, magkaka printer din ako, magkaka high end gadgets ako soon at ibat ibang mga technology, tinatawanan lang ako ng mga kaibigan ko sabay sabi ang mahal non di ka makakabili non.

Nung nasunugan ako sabi ng mga kapitbahay ko di na ako makakabangon, pero nangarap padin ako magkaron ng sariling bahay.

And then years of struggles, ups and downs at mga certain life events, I still did not stop and hold on to my dreams then 3 years after? All of my dreams are now in the grasp of my hands.

Alam mo maniwala ka lang sa sarili mo at sa pangarap mo, kahit walang maniwala sayo, paniwalaan mo sarili mo. Kasi darating yung panahon kapag nakuha mo na lahat ng pangarap mo, ang magiging kwento nalang sayo ay kung nung ano ka lang nuon.

Darating yung panahon na hindi mo na sila kailangan saktan para lang makabawi sa mga masasakit na salita nila sayo. Dahil ang pinakamasarap na balik ay yung tinitulungan mo parin sila kahit na pinagtawanan ka lang nila.

HINDI MASASAKIT NA SALITA AT PANANAKIT ANG MASARAP NA GANTI DAHIL ANG PINAKAMARAP NA GANTI AY YUNG MAKITA NILA AY YUNG MGA SINABI NILANG HINDI MO KAYA, LAHAT NAKUKUHA MO NA.

ONE DAY THE PEOPLE THAT DID NOT BELIEVE IN YOU, WILL TELL EVERYONE HOW THEY MET YOU.

2
$ 1.84
$ 1.84 from @TheRandomRewarder

Comments