read.cash Log in
@AkaPusero more from that month

Full circle 7months ago na aksidente kami , binakalan paa namin mag asawa, at tinakasan kami ng naka aksidente sa amin, kinasuhan namin hindi alam kung may mangyayari pa !! Baon kami sa utang habang paika ika pag lakad Dasal namin sana may liwanag at makapag simulang muli, pero hindi pa nga kami nakakalakad na maayos, nagkasakit si asawa, sakit na hindi namin alam kung gagaling pa! Kada araw kalahati ng paa niya nasa hukay , CKD na kailangan dialysis 3x a week ..di pa kami nakakabangon may bago at mas mabigat na problema , pag gising ko sa umaga dasal at pag asa na sana malagpasan ang sakit at di man gumaling eh maging malakas, para sa buhay, Pero paglipas ng mga araw bilang CKD patient, pagkaubos ng pera , ganun din ang lakas , napakahirap makita asawa mo , nahirapan , na dasal mo sa Dios ilipat nalang sayo sakit, yung hirap , gabi gabi lumuluha ka sa pag asang sana bukas , may magandang balita, pag gising mo sa umaga... patuloy na pang hihina nagaganap , nangungutang kana sa tao ng pera , natatabla ka! Pati dasal sa Dios na kalakasan at pag galing tablado ka pa din... Napakalupet ng buhay

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.