Magandang hapon po mga kaingay. Tanong ko lang po saan po makikita/makuha yung seed phrase na sinasabi? Gusto ko kasi mag import ng wallet. May Bitcoin wallet na po ako noon pa, kaya lang di ko pa ginagamit at coins pa din ang gamit ko. Maraming salamat po sa mga sasagot.
@Ailec13 in December 2021
Sana bago mag update ulit si noise at ibahin na naman ang paraan ng pagbibigay ng t!ps, iparanas naman sakin na ako naman yung nagbibigay hihi. Araw-araw akong nag-aabang haha! Salamat nga po pala sa mga walang sawang pagbibigay ng blessings. Good night na po mga kaingay and God bless.
Nakakaiyak! Yung dineposit kong 300+ something yan nalang, nangalahati na huhu. Sana tumaas ka na ulit hahah mabawi ko man lang nadeposit ko. Ang baba na ni CPRX sana tumaas pa to ulit. Gandang tanghali mga kaingay kain po tayo sardinas po ulam.
Madugo ang market ngayon puro pula. Sobrang baba ng bch kaya ayaw ko silipin yung naipon ko dun, baka hindi na umabot ng hundred haha! Maraming salamat nga po pala sa lahat ng nagbigay ng biyaya. Pag nagkaroon na po ako makakabawi din ako sa inyo. Good night na din po sa inyong lahat sana bukas lahat ng crypto mag green na.
Malaking tulong din yung pa ampao ni shopee araw-araw eh. Kahapon nakakuha din ako ng P5 tapos ngayon ulit, sana machambahan ko yung P50 laking tulong na din yun hihi. Kayo mga kaingay kung may shopee kayo claim niyo na, click niyo lang CELEBRITY PAMASKO madaming sobre yun 6 envelopes yata araw-araw. Magandang umaga po mga kaingay
May bago palang update si noise ngayon ko lang napansin. Nagcheck kasi ako sa settings then may napansin akong may nabago na naman. Pero hanggang ngayon wala pa ding binibigay si noise pang t!ps ko sa mga kapwa ko kaingay hahay! Good evening mga kaingay at goodnight na din po sa lahat.
Sa mga may shopee account claim niyo na po. Na claim ko na po lahat yan 40 na vouchers sana makatulong po. Magandang gabi po mga kaingay busy na po ako sa ibang bagay kaya madalang nalang po ang pagbubukas ko kay noise.
Ang sakit sa mata pag sa tuwing binubuksan mo si abra pababa naman ng pababa yung CPRX hahaha umay! From 26 pesos ganyan na yung price niya hindi man lang umangat. Hahay hodl lang ang magagawa ko hanggang sa tumaas ulit siya. Goodnight na mga kaingay
Magandang gabi mga kaingay nag aabang ako sa 12.12 sale sa shopee haha! Kala mo talaga may pambili eh. Kayo rin ba mga kaingay nag aabang din? Naka claim na ako ng voucher para sa shipping fee medyo pricey kasi shipping fee dito. Good night na po pala sa mga tulog na.
Buti naman at nag green din sila, kung kelan magpapasko doon pa sila nagbabaan. Yung CPRX ko yan nalang, ang sad ng pasko hindi makaipon paunahan sila ng pagbaba hahayy buhay. Magandang tanghali po sa inyo di na ako masyadong active dito mas tinutuunan ko ng pansin yung ibang raket ko para makaipon.
Kamusta mga amigos at amigas! Buti naging okay na ulit ang signal dito samin. On/off kasi signal samin mula nung manalanta ang bagyong Odette, buti nalang at hindi masyado tinamaan lugar namin and thank you Lord. Kaya lang may malungkot na pangyayari dahil namatay yung stepdad ko sa kasagsagan ng bagyo at doon pa mismo sa evacuation center nawalan ng buhay. Ang lungkot ng pagkamatay niya dahil walang nakakaalam sa pamilya niya sa cebu na wala na siya. Okay good night na mga…
Merry Christmas po sa lahat! Sana'y maging maligaya ang pasko ninyo. Kami parang normal na araw lang to dahil wala kaming handa at hindi pa tapos ang pagpi-pray for the soul of my step dad. Magandang gabi po mga kaingay
Happy New Year nalang po sa lahat ng member dito, active man o hindi. Naway masagana ang bagong taon at mawala na ang COVID na dalawang taon din nanatili, kaya hindi masyado enjoy yung pasko at bagong taon. God bless nalang po sa ating lahat