read.cash Log in
@Ahrciel

Storytelling with my Uncle Domeng.. Simple Arts of Mine featuring my Uncle D and Insan Beb. Ito na po Yung isa sa mga napatatak sa isipan ko nung bata pa ako kasama anak nyang si Bebeng.. Uncle D: Ciel tara Dito may ikwento ako sa iyo! (Ako nAman excited, lumapit din si Insan beb) Ahrciel: sige po! Ano yun! Insan Beb: ano na nAman yan Tay, (natatawa na sagot Ng pinsan ko) Uncle D: wag ka maingay jan! si pinsan mo lang tinawag ko tapos lumapit ka din! Kung makikinig ka sa kuwento ko, makinig lang wag na mag ingay. Ok beb! Alam ko alam mo na ito para malaman din ng pinsan mo! Insan Beb: ok sige po! (sabay ngisi na parang may kutsabahang mangyayare) Ahrciel: ano na po Tito!(excited πŸ˜†) Uncle D: may Isang pamilya na maninirahan na sa America at Lahat Ng gamit Nila ay sinakay sa Isang eroplano, Ang gamit ay TV, refrigerator, kahadeyero, kabinet at isinama pati ang kotse Nila. Habang nasa himpapawid bigla nagkaroon Ng aberya ang eroplano, Sabi Ng piloto! Babagsak po ang eroplano pag di tAyo magbabawas Ng mga gamit nyo! Sa tingin mo Ahrciel, Ano ang pinaka mabigat na gamit ang pwede ilaglag o itapon para magtuloy ang biyahe Ng eroplano at di na bumagsak? Ahrciel: uhmm TV (syempre bata pa ako nun kayA Kung ano na lang maisagot πŸ˜‚) Uncle D: mabigat na ba yun! Magaan lang yan! Yung pinaka mabigat! Yung Hindi nyo kayA buhatin Ng pinsan mo kahit magtulong pa kayo! Ahrciel: (seryoso na ako, sabay bulong ni pinsan Beb, Kotse!!) KotseπŸ˜… Uncle D: Ay sumingit nAman Kasi itong si Bebe! Sige Maya na lang ulit! Sumali Kasi pinsan mo sabing makinig na lang! (Sabay tAyo si Uncle kumuha Ng Tubig at pinaalis si Bebe) Uncle D: O siya ibang kuwento na lang, sumingit Kasi pinsan mo! Ahrciel: sige Tito! (Pero si pinsan pabalik balik nang aasar sa Tatay nyaπŸ˜…) Uncle D: may mag asawa nakatira sa malaking mansion. Nang mga oras na iyon ay Gabi na naisipan nilang maligo sa swimming pool. Midnight Swimming ba! Sa pagliligo Nila nagutom Yung babae kumuha sa loob ng Bahay Ng makakain Kasi Ng mga oras na yun ay tulog na mga katulong Nila, kayA siya na lang ang kumuha, samantalang Yung lalake naglalangoy pa! Sa pagbalik Ng babae sa swimming pool area, nakitA nya Yung asawa nya na patay na at puro dugo na Yung swimming pool. Ang tanong ko sa iyo Ahrciel paano namatay Yung asawang lalaki? (May pananakot sa mga salita nya) Ahrciel: pinatay Ng mga katulong! Uncle D: Hindi! Tulog nga eh di ba! Ahrciel: nalunod (Wala nang maisip kayA Kung ano-ano na lang πŸ˜‚) Uncle D: may dugo! Tapos nalunod! Hindi! (Tumawa Ng malakas si TitoπŸ˜‚) Ahrciel: kinain Ng aswang (Kasi nga madalas manakot si Tito pag mag kwento) Uncle D: Hindi! Aswang Hala ka! (Sabay turo sa likod) Ahrciel: Di ko alam eh! Paano ba Tito? Sirit na! (kinikilabutan na ako Ng mga oras na yun) Sabay singit na nAman si Insan Beb na tumatakbo galing sa nanay nya. Insan Beb: Dahil sa kotse na tinapon sa Eroplano! Bumagsak dun sa lalake! Sabay tawanan Silang Lahat sa akin. sa isip ko, Wala na Yung last na kuwento. Naisahan na nAman ako! πŸ˜‚ @charlsss #thriller with a twist of comedy πŸ˜‚

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.