Ang daan kung saan makikita mo ang lahat, may ginhawa dahil may palayan, may hirap dahil sa kabilang dako ang bahay ay tagpi tagping yero, may dilim sa gabi sobrang dilim, may liwanag sa araw ang aliwalas ng paligid, sariwa ang hangin dahil puno ang paligid pero maingay na din dahil sa kabilang banda ay may eco-tourism road kung saan malalaking truck ang dumadaan. May mga probinsya na pinipilit i-civilized ang paligid kaya naman ang mga palayan ay unti-unti ng kumukunti dahil kino-convert na ito sa isang daan para mapabilis ang transportasyon ng lahat. May magandang dulot at mas maraming masamang dulot. Tama po ba? Or mali?
No comments yet