read.cash Log in
@Adbent more from that month

Nagdeklara ng total lockdown ang gobyerno dito sa Malaysia. Hindi na pwedeng maglakad o mag-jogging sa labas kaya hanggang dito na lang ako sa looban. Ang ikinaganda lang dito sa tinitirahan namin ay maganda ang landscapes at may pagpapahalaga talaga sila sa kalikasan kaya madami pa ring mga puno at halaman. Di man makalabas at makadayo sa magagandang lugar, nasa iyo na kung paano mo tignan ang mga bagay-bagay. Andyan lang sa paligid mo ang likas na kagandahan. Paganahin lang ang isip at i-appreciate ang mga simpleng bagay na nasa iyong kapaligiran. Magandang gabi po. #myphotomythoughts #tagalog101

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.