Yun bang naboboryong ka na sa bahay ngunit hindi ka makalabas at makagala dahil sa pinapatupad na total lockdown. Kumukuha na lang ako ng mga larawan sa likod-bahay nang may maibahagi rito sa noise.cash ngunit parang nakuhanan ko na ata lahat. Kaya heto, kahit bulaklak ng hagonoy ay di ko na pinalampas. Simpleng bulaklak ngunit gumanda sa aking paningin. Sabagay, nasa atin naman kung paano natin titignan ang mga bagay-bagay at kung paano natin naa-appreciate ang mga simpleng bagay sa ating paligid. Wag lang tayo maghanap ng wala o maghangad ng mga bagay na hindi pa natin kayang abutin. Magandang tanghali po sa lahat! Camera Used: Fujifilm #myphotomythoughts
No comments yet