Pumunta ako sa isang bagong bukas na supermarket na malapit lang sa aming accomodation. Laking gulat ko nang makita ang mga ito: pinoy products. Natulala ako saglit at parang hindi makapaniwala. Kaya pala parang may humihila sa akin na pumunta sa supermarket na iyon. Ano pa nga ba, eh di hakot agad ako. Ang dami kong nabili, lalo na ang sardinas na miss na miss ko na. Medyo mahal nga lang ngunit okay lang dahil ito na lang ang nagpapasaya sa akin ngayon😂. Kakakain ko lang ng sardinas, nilagyan ko ng Datu Puti na suka, calamansi at sibuyas.. taob ang isang rice cooker. Buhay Ofw. #myphotomystory
No comments yet