read.cash Log in
@Adbent more from that month

Iyon bang natutuwa ka dahil nakarating din sa wakas ang pinadala mong bagahe para sa pamilya mo. "Nandito sa loob si Papa, Ma?" Tanong ng anak ko sa Mama niya. Nakakadurog ng puso nang ikuwento sa akin ng asawa ko ang unang natanong ng anak ko nung natanggap nila ang box. Alam niya na maraming laman na mga laruan ang box ngunit ako ang itinanong niya. Kung pwede pa lang na pumasok sa box nang makauwi na at makapiling ko na sila, kaso hindi. Nabuo at napuno ang box na ito dahil sa pagsusumikap ko dito sa dayuhang bansa. Inuunti-unti ko hanggang sa mapuno. Akala ko noon, na masarap at madali lang ang buhay sa abroad, hindi pala. Kaya sana, pahalagahan ang bawat padala namin, maliit man o malaki dahil kasama sa kahon ang aming pagmamahal at pangungulila. Hiling ko lang ay matapos na ang pandemya nang makauwi na at dala-dala ko mismo ang pasalubong ko sa kanila. *thank you, admin. #myphotomystory

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.