Nagmuni-muni ako sa likod-bahay kanina bitbit ang aking camera. Nadaanan ko itong napakaliit na insekto (gamu-gamo). Nung una ay halos ayaw ko na siya pansinin at tignan sa malapitan dahil hindi ako sigurado kung ano ito. Ngunit tila nahila niya ako. Lumuhod ako dahil nasa damo lang siya at nang makita ko siya nang malapitan, nabighani ako sa taglay niyang ganda. Tamang-tama at pang macro na lens ang dala ko, kaya nakuhanan ko siya nang malapitan. Minsan sa buhay natin, may mga maliliit na bagay tayong pinapalampas ngunit hindi natin alam, na baka iyon na pala ang makakatulong sa ating pag-unlad. May mga pagkakataon din na hindi natin binigyang pansin o halaga ang isang tao ngunit malaki pala ang silbi nila sa ating buhay. Kaya matuto tayong magpahalaga kahit sa mga maliliit na bagay sa ating buhay dahil kapag niyakap mo na ang mga ito, mamamangha ka na lang sa maaaring magandang idudulot nito sa'yo. Magandang Gabi. #myphotomythoughts
No comments yet