Madami-dami na rin akong nakuhanan na larawan ng mga iba't ibang bulaklak sa aming likod-bahay. Nadaanan ko itong puno ng kamias at kinunan ko rin ng larawan. Ang ganda rin pala ng bulaklak ng kamias sa malapitan. Naalala ko tuloy noong bata pa ako, nginunguya ko ang bulaklak nito tapos dahan-dahan kong iluluwa na kunwari ay dugo dahil kulay pula ito. Namimiss ko rin pati ang bagoong o alamang na may kamias. #myphotomystory
2 comments
I wonder whats their form when they are in full bloom.
bubuka lang at babaliktad ang petals niya..