Nakakaloka na. Magdadalawang buwan na kaming walang signal at kuryente sa bahay mula nung hagupit ng bagyong Odette. Masakit lang isipin na hindi pa kami priority. Kaya minabuti ko na lang na pabakasyunin muna ang mag-ina ko sa Mindanao. Kararating lang nila ngayong araw doon. Sa wakas, nakapag-videocall na rin sila sa akin. Oo, ofw ako ngunit hindi ibig sabihin na mayaman na kami. Hindi pa inaasikaso ang kuryente, hindi pa kasali sa bibigyan ng ayuda. Hindi ba kami apektado? Sabagay, hindi dapat natin iasa ang lahat sa gobyerno. Mas mabuti pang kumayod nalang nang husto kaysa mamamatay ka na lang na dilat ang mata sa kahihintay. Partially at totally damaged ang binibigyan, ngunit ang kapamilya at kamag-anak ng taga-lista, kasama lahat kahit may bubong pa ang mga bahay. Hindi nakakatanggap yung sahig na lang ang natira na bahay. Hay, Pilipinas... ito ang masakit na katotohanan. Gayunpaman, gaya ng tagline sa Channel na ito: bagong taon, bagong pag-asa. Makakabangon rin kami na hindi umaasa sa iba dahil kinalimutan lang nila. #pilipinas #LabanLang
3 comments
ang cute naman ng baby m0.. safe travels sa mag ina m0.. at ikaw.. ingat ka rin dyan ka noise.. hehe
Sa bohol. Balik ng kurente for two months of absnce
Naa naman amo silingan, amoa ra balay kay need pa ipa-tap kay gikawat amo cable..unya ang tapping kay dili pa priority.