Pag-asa (Hope) Sa gitna ng kapagalan, mayroong sisibol na panibagong pag-asa. Napanghihinaan ka man ng loob, huwag mong hahayaan na lalamunin ka ng mga pagsubok sa buhay. Hindi masama ang mapagod at magpahinga. Hindi masama ang tumanggap ng mga kabiguan at pagkatalo. Ang mahalaga ay patuloy ka pa ring lalaban. Ang pag-asa ay palaging nariyan, gamitin mo lang ito upang bumangong muli. #myphotomythoughts #TagalogThoughts101 #Photography
No comments yet