read.cash Log in
@Adbent more from that month

Sa aking paglakad-lakad sa likod-bahay, nakita ko ang halamang rosas na ito na nahahalo na sa mga damo at medyo madumi at tiyak hindi na nalilinis ng may-ari. Ngunit gayunpaman, may sumisibol pa ring bulaklak. Gaya ng buhay ng tao, nasa gitna man tayo ng mga suliranin ay magtiwala kang may pag-asang sisibol. Napanghihinaan man tayo ng loob minsan, nariyan lang lagi ang pag-asa. Hindi mo pa man nakikita at wala mang kasiguraduhan ang lahat, huwag lang tayong sumuko sa anumang hamon na ibinibigay ng buhay. Laban lang! Kapit lang! *Kuha kong larawan sa likod-bahay. Camera Used: Fujifilm #myphotomythoughts

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.