Ligaw lang na bulaklak ngunit nagtataglay pa rin ng ganda. Maaaring dinaan-daan lang ngunit may silbi at bahagi pa rin sila ng kalikasan. Gaya ng bawat isa sa atin, maliitin man tayo ng mga nakakataas sa atin, mayroon pa rin tayong halaga lalo na sa mga taong naniniwala at nagmamahal sa atin. Maaari na di tayo kabilang sa mataas na antas ng lipunan ngunit sa mata ng Diyos, pantay-pantay lang tayong lahat sa sanlibutan. Magandang tanghali. #myphotomythoughts
No comments yet