Minsan, tinatanong natin ang ating mga sarili kung tama ba ang daan o landas na ating binabaybay. Yun bang pakiwari mo'y naliligaw ka at nangangapa sa gitna ng kawalan at karimlan. Gusto mo nang sumuko at napanghihinaan ka na ng loob, ngunit ang tanging magagawa mo lang ay patuloy sa paglakbay kahit hindi mo na alam ang iyong tinatahak. Ngunit gayunpaman, nakarating ka sa dulo at namangha, na ang lahat ng iyon ay iyong napagtagumpayan. Doon mo napagtanto, nasa tamang daan ka at iyon ay bahagi lamang ng mga hamon ng buhay. Mapagpalang umaga, mga kaibigan. Nakakamiss lang magsulat ng tagalog o purong filipino. (Just trying to write in my own language because I'm nosebleeding already in writing english😂😂😂) #mytagalogthoughts #myphotomythoughts #Photography
No comments yet