Minsan, natatakot tayong sumubok sa mga bagay na hindi natin nakagawian. Yun bang doon lang tayo kung saan ang akala natin ay iyon lang ang ating makakaya. Ngunit sa panahon na pakakawalan mo ang sarili mong takot at matutong sumugal, mamamangha ka na lang na napagtagumpayan mo iyon. Yun bang kaya mo pala. Ngunit subalit datapwat, may mga bagay rin na kailangan mong pag-isipan bago subukan. Alamin muna kung ito ay tama at makabubuti sa'yo. Hindi masama ang sumubok sa mga bagay na alam mong magpapatibay sa'yong pagkatao, ngunit ang masama ay iyong sumugal ka sa isang bagay na alam mong ikasisira ng buhay mo at ng iyong kapwa. Magandang hapon po, mga Ka-Noise! #myphotomythoughts #tagalogthoughts101 #Philippines
No comments yet