read.cash Log in
@Adbent more from that month

Nakita ko ito sa aming likod-bahay. Siguro marami sa atin ang may alam nito lalo na nung kabataan natin. Pinipitas natin ito at hinihipan sabay "wish". Napagtanto ko rin, na hugis coronavirus pala ang maliit na bulaklak na ito ngunit napakaganda. Gaya ng nangyayari ngayon sa buong mundo, nasa gitna tayo ng pandemya ngunit hindi rito nagtatapos ang lahat. Alam nating nalulugmok tayo ngunit pwede rin tayong tumingin sa mga magaganda at positibong bagay. Ngayong pandemya, mas nakakasama na natin ang ating mga mahal sa buhay, marami tayong natutuklasan na kakayahan na noon ay di natin lubos maisip na magagawa natin, natututo tayong magbigay sa kapuwa at mas lumalim pa ang ating pananalig sa Puong Maykapal. #myphotomythoughts #mymacrophotography

3 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.