read.cash Log in
@Adbent more from that month

Itlog ng Ofw Itlog, ulam ko ngayon. Akala ko noong una, puro sarap at saya lang dito sa abroad. Hindi pala. May pagkakataon din na kakapusin ka, kaya magtiis na lang muna sa itlog o hindi kaya'y noodles. Naalala ko noon ang isa kong tauhan na pinoy sa Saudi. Lagi siyang pinagtatawanan ng mga kasamahan naming pinoy lalo na sa oras ng kainan sa site. Itlog na nilaga ang baon niya. Minsan dalawa, minsan isa lang at hahatiin pa niya. Parang hindi kapani-paniwala ano? Pero yun ang totoo at nasaksihan ko rin yun. Minsan kinamusta ko siya. "Okay lang, Sir. Masaya kahit papaano kasi kaka-graduate lang ng anak ko sa Nursing." Malumanay na sagot niya sa akin. Naantig ang puso ko sa aking narinig. Binata pa ako noon at ngayon na may anak na rin kagaya niya, napagtanto kong gagawin lahat ng isang ama o magulang upang mabigyan ng magandang bukas ang kanyang mga anak. Handa ka talagang magtiis upang matupad mo ang mga pangarap mo para sa kanila. #myphotomystory #Philippines

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.