Mahilig akong maglakad-lakad sa gabi. Minsan, nagawi ako sa bandang likuran ng kabahayan: ang dilim. Ngunit tanaw ko sa labas ang mga ilaw sa tabing daan na nagsisilbing liwanag sa paligid. Gaya ng buhay, may kanya-kanya tayong pinagdadaanan at may kanya-kanya tayong liwanag o pag-asa na pinanghahawakan. May pagkakataon na halos nangangapa na tayo sa gitna ng karimlan, ngunit patuloy pa rin tayong tumatanaw kahit na sa katiting na liwanag. Gusto nating makaahon sa dilim. Ngunit subalit datapwat, may mga nilalang na hindi nakakayanan ang lahat at nagpapalamon sila sa dilim. Gaya ng ilaw at liwanag na iyan, sadyang may naglagay niyan. Gaya rin ng buhay, kung pakiwari mo'y nag-iisa ka na lang: hindi ito totoo. Lumingon ka sa paligid mo, naroon ang mga kaibigan mo; nandiyan ang pamilya mo. Kung pakiwari mo'y tinalikuran ka na ng lahat, at wala ka nang liwanag na natatanaw, pumikit ka at manalangin. Tumawag ka sa Kanya, dahil maaaring talikuran ka ng lahat, ngunit Siya lang ang tanging kaibigan na mananatili sa tabi mo. Magandang Gabi sa lahat! #myphotomythoughts #Philippines
No comments yet