Magandang umaga sa lahat! Araw na ng Sabado at bukas may klase na naman ang mga bata pero si Adam hindi pa makapasok ulit. Pagkatapos ng lagnat, may lumabas na pulang maliliit na pantal sa balat niya. Kahapon sa likod at tiyan lang yung mga pantal, ngayon buong katawan na talaga niya. Kaya hindi ko muna sya pinapalabas kasi sabi ng nanay ko noon na pag may tigdas at mahanginan ito, dadami at kumakati daw ito kaya dito muna sya sa loob ng bahay.
No comments yet