Isa sa pinakamiss kong kainin ang nilagang saging kaya naman kanina nung umulan, naglaga ako ng ilang pirasong saging. Tuwing umuulan, parang laging gutom ang tiyan kaya mas mainam na may makakain. Naalala ko, noong bata pa ako pag wala kaming bigas, ito lang yung kinain namin. Minsan dinurog ng nanay ko ang saging at lagyan ng niyog at asukal. Yun na ang pantawid gutom namin dahil sobrang hirap talaga ang buhay namin noon.
No comments yet