Yung bunso ko na nag-birthday kahapon ngayon nagkalagnat. Nagtaka ako kanina kasi hindi ginalaw yung pagkain. Tinanong ko kung bakit di siya kumain, biglang umiyak at nagsabing masakit ang ulo. Nakakabahala yung tahimik lang ang bata at hindi magsabi kung ano ang nararamdaman nila. Pinainom ko kaagad ng gamot kasi mainit talaga siya, buti pagkatapos ng ilang oras medyo ok na siya. Nanghingi na din ng pagkain. Kaya ako naman ang mag snack ngayon. Medyo nakahinga na ako ng maluwag dahil naging active na ulit siya. Snack tayo guys!
3 comments
Baka napagod kahapon nun birthday nya..
Baka isa din yan sa dahilan sis tapos yung pabago bago yung panahon kahapon
Uso talga ang sakit sis..