read.cash Log in
A@Adam824G more from that month

Kahapon naging productive yung araw ko pero kinagabihan nawala ako sa focus nung nalaman kong lahat ng gamit ng partner ko ay ninakaw. Cellphone, pera at iba pang importanteng gamit kinuha lahat. Tagal ko nakatulog kagabi sa kakaisip bakit May ganoong mga tao. Yung cellphone ng partner ko, kakabili lang namin nun nung 29 ng December pero sa isang iglap nawala lang. Yung gusto ko maiyak kasi pinaghirapan yun eh, pero May mga taong mas piliin gumawa ng masama para lang magkapera. Nakakalungkot isipin, naiiyak ako pero wala na kaming magagawa. Kahit ganun pa man, nagpasalamat pa din ako kasi ligtas sila kasama yung katrabaho niya.

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.