"Ang Ating mga Magulang"
Sila’y Biyaya mula sa Maykapal Kaya’y ating ibigay ang lubos na pagmamahal Sundin lahat ng kanilang ipinagbabawal Upang tayo ay kanilang ikarangal. Palagi silang pasayahin Pagiging pasaway ay tanggalin Itatak sa isip kanilang mga bilin Mga mabubuting asal ay gawin. Gagawin nila lahat para sa atin Kahit di na kaya ay pipilitin Lahat ng hirap ay titiisin Sapagkat ito ay kanilang kakayanin. Kaya’t silay laging igalang Huwag sagutin ng pabalang Dahil it ay magiging hadlang Sa pagkakaroon maayos na pagkakaunawaan. Pag-aaral ng mabuti ang isa sa mga magandang regalo Lalo na sa nalalapit na pasko Para silang nanalo sa lotto Dahil sa ipakikita mong magandang grado. Magandang tanghali po.Nawa'y inyong magustohan ang tulang aking ginawa.😊
2 comments
Mahalin natin ang ating magulang dahil sila and dahilan kung bat ka nabuhay kayan irespeto natin sila at pagsilbihan:)
Tama po.Patuloy natin silang pahalagahan at mahalin habang tayo ay nabubuhay.Patuloy nating ipadama sa knila ang ating kagalakan na sila ang ating naging mga magulang