read.cash Log in
@Ace97

Manhid ka ba?

Manhid ka ba? Sana naman minsan marunong kang makiramdam Kung nakikita mo sanang may ginagawa wag ka nang makialam Upang trabaho ay matapos agad Sa kakwekwento mo’y walang nasisimulan Nakakahiya mang ika’y hindi pakinggan Bawat kwento mo’y di ko maintindihan Sapagkat aking trabaho ay pinagtutunan Upang may matapos man lamang. Di ko alam kung paano kita tatalikuran Hindi pag-imik ba ang kailangan? Upang ika’y makaramdam O kaya’y ikaw ay aking pagsabihan. Sana maisip mo din yun minsan Na tayo'y lahat may pinagkakaabalahan Na kailangan matapos ng maayos Upang lahat ay mairaos.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.