read.cash Log in
@Ace97

"Edukasyon ay Pahalagahan"

Hindi lahat sa atin ay may pagkakataong makapag-aral Minsan ang iba ay kailangan pang sumugal Hindi iintindihin mga sagabal Upang makakamit ng mga parangal. Maraming handlang para makamit ang tagumpay Huwag mag-alala marami tayong kaagapay Ating pamilya ay laging nakaalalay Upang magandang edukasyon ay makamtang tunay Huwag isipin ang pinansyal na pangangailangan Sapagkat iyan ay nasosolusyonan Maraming mga magagandang paraan Upang ito ay malampasan Upang hindi masayang mga pagod ng ating mga magulang Edukasyon ay ating pahalagahan Upang sila ay mapasalamatan Kahit sa maliit na paraan Mga guro naman ay ating igalang Sundin lahat ng kanilang pangaral Dahil ito ay para sa ating kapakanan Upang magkaroon ng mgandang kinabukasan. Sa tuwing may mga araling di maintindihan Ating guro ay maaasahan Tiyak na tayo’y kanilang tutulungan Upang magkaroon wastong kaalaman Kung marami man silang pinagpagawa sa atin Sila ay kailangan nating intindihin Para talento natin ay linangin At mas pagbutihin natin. Huwag palaging reklamo Sa mga pinapagawa sayo HUwag pairalin ang matigas na ulo Sa halip ay gawin na lang ito. Laging pakakatandaan Edukasyon ay walang makakakuha sinoman Sapagkat ito nakatatak sa ating isipan Ano man tahakin nating daan.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.