Paano kung tumaas ang Peso at Bumaba ang dolyar? Minsan naisip mo na ba na maging isa sa pinaka makapangyarihan ang bansang pilipinas at sa pag lipas ng panahon ay umangat ang ating ekonomiya at nalampasan natin ang mga kaalyadong mga karatig bansa? Dahil kung ating iisipin ay di malayong mangyari ito kung ang ating mga nanunungkulan ay may mabuting hangarin malawak na kaisipan at iniisip ang kinabukasan ng ating bayan. Sa mga nakalipas na panahon ay madaming mga Presidente na ang nag daan merun mga kurakot at merun din naman hindi at itong mga nakalipas na panahon ay angat baba ang survey graph patungkol sa ekonomiya ng pilipinas ngunit ang over all nito ay talagang makikita na pababa pa rin. Itong makabago na panahon natin ngayun ay makikita natin ang progreso ng ating bayan dahil di na madadaya ng mga may makapangyarihan ang masasabi nating "social media" lahat tayo ay di na maloloko ng mga mapag kunwari at ganid na mga politiko dahil malawak ang sakop ng social media kesa sa mga TV news na puro kasinungalingan ang balita at pawang propaganda lamang ang syang ibinaon sa kaisipan natin ngunit di na tayo mag papaloko ngayun dahil simula na para tayo ang gumawa ng totoong balita. Sa ganitong paraan ay maluluklok sa pwesto ang nais nating mamuno ng walang pandaraya, Dito na aangat ang ating bansa mula sa mga pribadong sektor hanggang sa sekta ng gobyerno ay aangat at walang maiiwan.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet