read.cash Log in
A@AJane15 more from that month

Unang araw

Ito ang aking unang araw sa pag gamit ng website na ito. Nakakita ako ng isang post sa facebook patungkol sa mga pwedeng pagkakitaan online ngayong panahon ng pandemic. Isa sa mga ito ay ang read. Cash na talagang pumukaw ng aking atensyon at sa aking labis na pagkamausisa, heto ako ngayon at nagsusulat ng aking unang artikulo. Sa kasalukuyan, ako ay walang trabaho dahil sa pag aalala na ako ay mahawahan ng covid 19. Ito ay desisyon ng aking pamilya sa kagustuhan nila na ako ay maging ligtas. Ito ang dahilan kung bakit ako nagbabakasakali dito ngayon upang kumita ng pera nang sa ganun ay makatulong ako kahit papaano sa aking pamilya. Ako ay labis na umaasa na magiging matagumpay ang pag rerehistro ko dito at makakuha ako ng sapat na halaga para makapag ambag ako sa aking pamilya. Ako ay muling umaasa na may mabuting tao ang gagabay at magtuturo sa akin para makakuha ng sapat na pera dito sa website na ito. Nawa ay matapos na ang pandemya na ito at maging ligtas na ang lahat ng tao sa buong mundo upang makabalik na tayo sa dati nating pamumuhay na hindi nakakalimot sa mga aral na dala ng krisis na ito. Huwag nating kalimutang magdasal, humingi ng tawad at magpasalamat sa Puong Maykapal.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.