Valley of Death

1 7
Avatar for ADPM0811
4 years ago

Mag-aalasingko ng hapon ng napadaan ako sa bahay ni Remon(kaibigan ko)ng tawagin niya ako."Sui,alam mo ba may natagpuan na namang bangkay sa tulay ng koop"tsismis nito sa'kin

"Talaga meron na naman?" seryoso kong sagot."oo,lalake naman ngayon"wika nito."agad ko naman ikinagulat.Noong mga nakaraang linggo kase susunod ang pagkawala ng mga dalaga sa lugar namin sa di malamang dahilan at ang mas nakakatakot pa ay 1:00 ng madaling sila sabay-sabay na nawala(sa iba't-ibang araw).Ayon sa mga pulis na nagimbestiga kung saan na tagpuan ang mga bangkay,bugbog at ginahasa pa ang dahilan ng pagkamatay nila.

Balik tayo sa bagong biktima,natagpuan itong walang saplot at putol ang ari.Samu't-saring tsismis ang kumalat sa lugar kung saan andon ang tulay ng koop na babae daw ang nakita nilang salarin pero hanggat walang ebidensya at di parin tukoy ang pagkakakilanlan ng babae.

Lumipas ang ilang buwan,tahimik na ang lugar namin wala ng masyadong napapabalita pa pero kung meron man ay di na ito bago sa amin.

Nagpaalam sa'kin ang kapatid ko na si kuya argus na may bibilhin lamang siyang na kailangan sa kanyang pagtuturo.Isang guro nga pala ang kuya ko(este pinsan)nagiisa lang kase siyang anak ng ina at ama pero sa kagustuhan kong makapagaral din inampon at pinagaaral nila ako.May kaya naman sila kaya di rin ito big deal sa kanila syempre nagiisa nila akong pamangkin e lalo na't wala narin naman akong mga magulang,namatay si ina ng pinanganak ako habang si ama at naaksidente naman.

Nagpaalam na si kuya lulan ng kanyang motor at maghahanap lang daw siya ng yellow pad dahil walang mabilhan sa amin.Makalipas ang dalawang oras wala parin ang kuya "kuya,anong oras ka uuwi baka hanapin ka sa'kin ni ina?" nagaalala Kong text sa kanya."Bukas"tanging yan lang ang natanggap Kong sagot sanay narin naman ako sa kanya madalas kase siyang napapatambay sa tropa niya sa koop .Di naman ito sobrang lapit sa tulay kaya di na ako masyadong nagaalala kapag aalis siya.Kinabukasan,"Sui,asan ang kuya mo kagabi pa di umuuwi?"nagaalalang tanong ng ina."Nasa tropa niya lang po iyon wag na po kayo masyadong mag alala"sabay ngiti sa kanya.Tahimik na bumalik si ina sa kanyang kwarto at matutulog na lamang muna daw siya at gisingin nalang kapag anjan na ang kuya.

Maya-maya dumating ang kuya jobert,"Sui,sumama sakin dali may pupuntahan tayo"natatarantang wika ni kuya jobert(pinsan ni kuya sa side ni ama)sumama ako at agad pumunta doon.

Nang malapit na kami tanaw ko na ang mga kumpol ng tao at mga pulis,kinutuban na ako kung sino yon o ano yon.

Lumapit kami sa mga pulis pero "Ma'am pasensya na po tanging kamag-anak lamang po ang pwedeng papasukin" di ko na intindi ang sinabi ng pulis at agad Kong hinawi ang mga nakapaikot na 'police line do not cross' at agad akong napaluha ng makita kong nakahandusay si kuya sa ibaba ng tulay kasamang nahulog ng kanyang motor.Halos mabaliw ako sa nakita ko di ko alam kung pano ko sasabihin ito sa ama't ina. Pinaupo ako sa isang tabi ni kuya jobert at pinakalma.

Iniakyat na nila ang bangkay ng kuya mula sa tulay ng koop,bakas sa katawan ng kuya na nanglaban ito at puro bugbog ang katawan hawak-hawak pa nito ang yellow pad na binili niya.

Dumating na ang SOCO at kinuna na ang bangkay ng kuya.Matapos iyon at naiburol na ang kuya,bago pa pala ito maiburol e hagulgol na sa iyak ang ina at ama di ko alam kung pano sila icocomfort tanging nagawa ko na lang ay maiyak na lang din.

Bukas ay huling araw na ng lamay kaya nagtipon-tipon dito ang mga malalapit na kamaganak namin,sa isang banda ng pasilyo ay may isang babae na kahina-hinala,nakasuot ito ng itim na jacket at leggings lumabas ito ng mahuli niyang nakitingin ako sa kanya pagtayo nito ay agad ko siyang sinundan.Nagtago ako sa isang pader habang siya ay humahagulgol sa lungkot na prang na babaliw.Nagsalita ito at palihim Kong pinakinggan "tangina" tanging malutong na Mura ang narinig ko sa kanya kaya hinarap ko ito at tiningnan lang ako ng masama at tumakbo papalayo.Kinutuban ako na Baja sangkot itong babaeng ito sa nangyari kay kuya.

Ngayon ay ililibing na si kuya,nagiwan kami sa kanya ng mataimtim na dasal at ipinangakong bibigyan siya ng hustiya.

Sui B. Ng Bulacan

Ps.for those who know me please keep it private nalang.Hustiya lang ang gusto naming kaya sana mahuli na ang suspek

2
$ 0.00
Sponsors of ADPM0811
empty
empty
empty
Avatar for ADPM0811
4 years ago

Comments

Up

$ 0.00
4 years ago